Camarines Sur

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Rehiyon ng Bikol (Rehiyon V) | }} {{#if: Camarines Sur | }} {{#if: 2 | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: 1,063 | }} {{#if:5,266.8| }} {{#if:1,551,549| }} {{#if:295| }}
Camarines Sur {{ #if: |
{{{sealfile}}}

}}

Lokasyon
Rehiyon V.jpg{{#if:}}
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Bikol (Rehiyon V)
Lalawigan Camarines Sur
Lungsod 2
Munisipalidad {{{municipality}}}
Kabisera {{{capital}}}
Barangay 1,063
Pisikal na Katangian
Saklaw 5,266.8 km²
{{#if:Ika-17 sa malalaki| (Ika-17 sa malalaki) }}
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-17 sa malalaki) }}
Densidad 295/km²
{{#if:Ika-22 sa matataas| (Ika-22 sa matataas) }}


Matatagpuan sa Rehiyon ng Bikol sa Luzon ang Camarines Sur. Dito makikita ang pinakamaliit na isda sa buong mundo at ang pamosong Bundok Isarog. Marami ding naggagandahang tanawin sa Camarines Sur tulad ng mga sinaunang simbahan at resort.

Mga nilalaman

Heograpiya

Ang Camarines Sur ay nasa gitnang bahagi ng tangway ng Bikol na bumubuo ng timog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon. Ang Camarines Sur ay napapaligiran ng Karagatang Pasipiko sa hilaga, ng Maqueda Tsanel sa silangan, ng Albay sa timog, ng Golpong Ragay, at ng Camarines Norte at Quezon sa hilagang-kanluran.

Binubuo ng 35 munisipalidad at dalawang syudad ang Camarines Sur. Kabilang sa mga munisipalidad ang Baao, Balatan, Bato, Bombon, Buhi, Bula, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Canaman, Caramoan, Del Gallego, Gainza, Garchitorena, Goa, Laganoy, Libmanan, Lupi, Magarao, Milaor, Minalabac, Nabua, Ocampo, Pamplona, Pasacao, Pili, Presentacion, Ragay, Sagnay, San Fernando, San Jose, Sipocot, Siruma, Tigaon, at Tinambac. Naga at Iriga ang mga syudad ng Camarnes Sur.

Wika

Bikolano ang ginagamit na wika ng mga taga-Camarines Sur. Nakauunawa din sila ng Tagalog at Ingles.

Ekonomiya

Agrikultura ang pangunahing industriya ng Camarines Sur. Palay at niyog ang mga pangunahing pananim, kasunod ang abaka at saging dahil sa klase ng lupa dito na mainam taniman.

Pangingisda at pagmimina ang iba pang pinagkakakitaan ng mga taga-Camarines Sur.

Pinagmulan

Tinawag na Los Camarines ng Gobernador-Heneral ng Espanya na si Guido de Lavezarez ang Camarines Sur dahil sa masaganang taniman ng palay na kapansin-pansin sa probinsya noong 1574.

Hinati ang Camarines sa dalawang parte: Camarines Norte at Camarines Sur, ayon sa dekreto ng Unang Batasan sa Filipinas.

Nueva Caceres ang ibinigay na pangalan sa Camarines Sur, kahalintulad ng pangalan ng isa sa mga probinsya sa Espanya. Naga ang unang kabisera ng Camarines Sur ngunit sa bisa ng Batas Republika bilang 1336 noong 6 Hunyo 1955, ang Pili ang idineklarang kabisera ng Camarines Sur.

Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.