COMELEC

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Commission on Elections o COMELEC, ay isang malayang komisyong konstitusyonal na itinalaga upang bigyan ng buhay at kahulugan ang batayang prinsipyo na "ang kapangyarihan ay nasa mga tao at ang lahat ng awtoridad ng pamahalaan ay mula sa mga ito."

Ito ay itinatag sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 73, o ang reporma noong 1940 ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas. Simula noon, dumami ang miyembro nito at mas lumawig pa ang kapangyarihan dahil sa Konstitusyon ng 1973 at 1987. Ang COMELEC ay hindi lamang nagpapatupad ng kapangyarihang pang-administrasyon, kung hindi maging pang-hukuman din.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Bago itinatag ang COMELEC, ang pangangasiwa sa mga pagsasagawa ng halalan ay ginawa ng Executive Bureau, isang opisina sa ilalim ng Kagawarang Panloob. Nang tanggalin ang Executive Bureau sa pangangasiwa, direkta itong hinawakan ng Kagawarang Panloob.

Nang maaprubahan ang reporma noong 1940, ang administratibong pangangasiwa ng halalan na ginagawa ng kalihim ng Kagawarang Panloob ay inilipat sa COMELEC. Ang COMELEC ay binigyan ng eksklusibong pamumuno sa pagpapatupad ng lahat ng mga batas na may kaugnayan sa halalan at ang kapangyarihan na magpasya sa lahat ng mga katanungang may kinalaman sa halalan. Hindi kasangkot dito ang mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, na kung saan ay naiwan sa huling pagpapasiya ng hukom.

Sa ilalim ng Commonwealth Act No. 607, ang COMELEC ay isinaayos na may 39 miyembro kasama ang Chairman at ang dalawang Commissioners. Ang 1973 Saligang Batas ng Pilipinas ang nagpalaki ng kasapian ng COMELEC mula sa tatlo hanggang siyam na miyembro. Tulad ng sa Saligang Batas ng 1935, kapag ang Chairman at Commissioners ay hindi sumunod sa tuntunin ng opisina, maaaring sila ay tanggalin mula sa kanilang pwesto sa pamamagitan lamang ng impeachment.

[baguhin] Tungkulin ng COMELEC

Ang Commission on Elections ay dapat ipatupad ang mga sumusunod na kapangyarihan at mga tungkulin:

  1. Ipatupad at pamahalaan ang lahat ng mga batas at regulasyon na may kaugnayan sa pagsasagawa ng halalan at plebisito, inisiyatibo, reperendum, at pagpapatawag muli ng botohan.
  2. Ipatupad ang eksklusibong hurisdiksyon sa lahat ng kumpetisyon na may kaugnayan sa mga halalan, kita, at kwalipikasyon ng lahat ng mga opisyal ng rehiyon, probinsiya, at lungsod, at sa paghahabol ng hurisdiksiyon sa lahat ng kumpetisyong kinasasangkutan ng mga halal ng munisipalidad na opisyal ng korte na ang nagpasya, sa pamamagitan ng pagsubok ng mga pangkalahatang hurisdiksyon, o kinasasangkutan ng opisyal ng barangay na pinagpasiyahan ng korte na may limitadong nasasakupan.
  3. Magpasya, maliban sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga katanungan na umaapekto sa halalan, kabilang ang pagpapasiya ng numero at lokasyon ng mga lugar ng botohan, paghirang ng mga opisyal ng halalan at tagapagbantay, at pagrerehistro ng mga botante.
  4. Kumatawan, na may kasunduan sa Pangulo, sa mga ahensiya ng pagpapatupad ng batas at pamamaraan ng pamahalaan, kasama na ang Armed Forces of the Philippines, para sa mga layuning tumitiyak ng malaya, disiplinado, tapat, at mapayapang halalan.
  5. Irehistro, pagkatapos ng sapat na paglalathala, ang mga pampulitikang partido, organisasyon, ng mga alyansa kung saan, bukod sa iba pang mga kinakailangan, ay dapat magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan; at magtalaga ng kinatawan ng mamamayan ng Komisyon ng Halalan.
  6. Idokumento, sa napatunayang reklamo, o sa sariling inisyatiba, ang mga petisyon sa hukuman para sa pagsasama o pagbubukod ng mga botante; imbestigahan at kung nararapat, usigin ang mga kaso ng paglabag sa mga batas sa halalan, kabilang ang mga gawain o kakulangan na bahagi ng pandaraya at paglabag sa batas ng halalan.
  7. Magrekomenda sa Kongreso ng mabisang hakbang upang mabawasan ang paggastos sa halalan, kabilang ang pagtatakda ng mga lugar na kung saan ang materyales ng propaganda ay dapat mailagay, at upang pigilan at parusahan ang lahat ng anyo ng pandaraya,paglabag sa batas at mga istorbong kandidato sa halalan.
  8. Irekomenda sa Pangulo ang pagtanggal ng sinumang opisyal o empleyadong hinirang, o ang pagpapataw ng iba pang mga aksyon, para sa paglabag o pagwawalang-bahala, o hindi pagsunod sa mga direktiba, kaayusan, o mga desisyon.
  9. Isumite sa Pangulo at sa Kongreso ang isang kumpletong ulat sa pagsasagawa ng bawat halalan, plebisito, pangunguna, reperendum, o pagpapatawag muli ng botohan.

[baguhin] Mga kasalukuyang opisyal

Ang COMELEC ay pinamumunuan ng isang Chairman at limang Commissioners:

[baguhin] Mga dating opisyal ng COMELEC

1940

    • Pedro Concepcion, Chairman
    • Jose C Abreu
    • Rufino Luna

1941

    • Jose Lopez Vito, Chairman
    • Jose C. Abreu
    • Rufino Luna

1945

    • Jose Lopez Vito, Chairman
    • Francisco Enage
    • Vicente de Vera

1947

    • Vicente de Vera, Chairman (Abril 9, 1947 - Abril 10, 1951)
    • Leopoldo Rovira (Mayo 22, 1947 - Setyembre 10, 1954)
    • Rodrigo Perez, Jr. (Disyembre 8, 1949 - Hunyo 21, 1956)

1951

    • Domingo Imperial, Chairman (Agosto 14, 1951 - Marso 31, 1958)
    • Leopoldo Rovira (Mayo 22, 1947 - Setyembre 10,1954)
    • Rodrigo Perez, Jr. (Disyembre 8, 1949 - Hunyo 21, 1956)

1958

    • Jose P. Carag, Chairman (Mayo 19, 1958 - Hunyo 20, 1959)
    • Gaudencio Garcia (Mayo 18, 1955 - Mayo 11, 1960)
    • Sixto Brillantes (Disyembre 20, 1956 - Hunyo 20, 1965)

1960

    • Gaudencio Garcia, Chairman (Mayo 12, 1960 - Hunyo 20,1962)
    • Sixto Brillantes (Disyembre 20, 1956 - Hunyo 20, 1965)
    • Genaro Visarra (Mayo 12, 1960 - Nobyembre 10, 1962)

1962

    • Juan V. Borra, Chairman (Agosto 2, 1962 - Hunyo 20, 1968)
    • Sixto Brillantes
    • Genaro Visarra
    • Cesar Miraflor

1965

    • Juan V. Borra, Chairman
    • Cesar Miraflor
    • Gregorio Santayana
    • Francisco Ortega
    • Manuel Arranz

1968

    • Manuel Arranz, Chairman (Oktubre 18, 1968 - Hunyo 2, 1969)
    • Cesar Miraflor
    • Jaime N. Ferrer

1969

    • Jaime N. Ferrer, Chairman (Hunyo 10, 1969 - Mayo 28, 1973)
    • Cesar Miraflor
    • Lino Patajo
    • Jose M. Mendoza

1973

    • Leonardo Perez, Chairman (Mayo 29, 1973 - Mayo 17, 1980)
    • Jose M. Mendoza
    • Venancio S. Duque
    • Flores A. Bayot
    • Venancio Yaneza
    • Casimiro Madarang, Jr.
    • Fernando R. Veloso
    • Lininding Pangandaman (Unang Muslim na Commissioner)
    • Hashim Abubakar

1978

    • Leonardo Perez, Chairman (Mayo 29, 1973 - Mayo 17, 1980)
    • Venancio Duque
    • Flores A. Bayot
    • Vicente M. Santiago, Jr.
    • Domingo C. Pabalete

1980

    • Vicente M. Santiago, Jr. (Mayo 17, 1980 - Enero 1986)
    • Domingo C. Pabalete
    • Victorino A. Savellano
    • Jaime C. Opinion
    • Noli Sagadraca
    • Jaime Firme
    • Ide Tillah
    • Luis Lardizabal

1983

    • Vicente M. Santiago, Jr. (Mayo 17, 1980 - Mayo 17, 1984)
    • Domingo C. Pabalete
    • Jaime Opinion
    • Victorino A. Savellano
    • Noli Sagadraca

1984 -

    • Victorino A. Savellano (Mayo 17, 1984 - Pebrero 1986)
    • Domingo C. Pabalete
    • Jaime Opinion
    • Noli Sagadraca
    • Froilan Bacungan
    • Ramon H. Felipe,Jr

1985

    • Victorino A. Savellano (Mayo 17, 1984 - Pebrero 1986)
    • Jaime Opinion
    • Froilan Bacungan
    • Ramon H. Felipe, Jr.
    • Quirino A. Marquinez
    • Mangontawar Guro
    • Mario D. Ortiz

1986 (Bago ang EDSA Revolution)

    • Victorino A. Savellano (Mayo 17, 1984 - Pebrero 1986)
    • Jaime Opinion
    • Froilan Bacungan
    • Ramon H. Felipe, Jr.
    • Quirino A. Marquinez
    • Mangontawar Guro
    • Mario D. Ortiz
    • Ruben C. Agpalo (itinalaga Enero 31, 1986)
    • Jaime C. Layosa (itinalaga Enero 31, 1986)

1986 (Pagkatapos ng EDSA Revolution)

    • Ramon H. Felipe, Jr., Chairman (hanggang 1989)
    • Leopoldo Africa
    • Haydee Yorac (Unang babaeng Commissioner)
    • Andres R. Flores
    • Anacleto Badoy
    • Dario C. Rama

1989

    • Hilario Davide, Jr., Chairman

1990

    • Haydee Yorac, Acting Chairman

1991

    • Christian Monsod, Chairman (hanggang 1995)

1995

    • Bernardo Pardo, Chairman (hanggang 1998)

1998

    • Harriet Demetriou - Unang babaeng Chairman (hanggang 2001)

2001

    • Alfredo Benipayo

2002

    • Benjamin Abalos


[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.