Buwan ng Setyembre: Pangangalaga sa Atay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Atay.jpg

Itinakda ang buwan ng Setyembre bilang Liver Cancer Month na tinatayang laganap sa bansang Pilipinas. Sinasabing ang pagkakaroon ng sakit sa atay ang ikawalo sa mga pinaka-kalimitang tipo ng kanser sa buong mundo. Ayon naman sa pag-uulat ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Philippiner Cancer Society, ito ang ang ikatlong pinaka-karaniwang uri ng kanser para sa mga kalalakihan at ikaanim naman sa mga kababaihan.

Mga nilalaman

[baguhin] Nakamamatay

Tinatayang ang kanser sa atay ang pinaka-nakamamatay na kanser sa lahat. Kapag hindi naagapang magamot, ang taning na limang taon para sa mga pasyenteng dinapuan ng sakit na ito ay hindi umaabot sa limang porsiyento. Kalimitan sa mga may kanser sa atay ay namamatay sa loob lamang ng isang taon matapos masuri ang pagkapit nito ngunit kung maaapula nang tamang panggagamot, ang tsansang makaligtas ay nasa 35 porsiyento. May dalawang uri ng sakit sa atay: Una, ang acute hepatitis na tumatagal nang humigit kumulang sa anim na buwan at ang chronic hepatitis na tumatagal nang mahigit sa anim na buwan. Ang pinakamalaking panganib nang pagkakaroon ng kanser sa atay ay iniuugnay sa cirrhosis, isang kundisyon kung saan 80 porsiyentong nangunguna sa lahat ng pagkakasakit sa atay. Ang kalimitang sanhi ng pagkakaroon nito ay chronic hepatitis B na tinatayang nangungunang dahilan ng pagtaaas ng porsiyento ng kanser sa atay sa Pilipinas. Ang iba pang hinihinalang posibleng dahilan ay ang impeksyon sanhi ng hepatitis C at pagkagumon sa alak.

[baguhin] Sintomas

[baguhin] Acute hepatitis

  • pagkapagod, katamtamang lagnat(sinat)
  • pagkahilo
  • kawalan ng gana sa pagkain
  • pag-iiba ng panlasa
  • may mabigat na pakiramdam o pananakit ng kanang bahagi ng tadyang sanhi ng paglaki ng atay
  • pananakit ng kasukasuan
  • pananakit ng ulo
  • pagkakaroon ng pantal sa balat
  • pakiramdam nang pagkabusog
  • pagbagsak ng timbang
  • pagsusuka

[baguhin] Chronic hepatitis

  • malabis na pagkapagod
  • pangangailangan sa mas mahabang oras ng pagtulog
  • pananakit ng kasukasuan
  • pananakit ng kanang bahagi ng tadyang sanhi ng paglaki ng atay
  • pagkakaroon ng jaundice na tanda nang paglala ng sakit

[baguhin] Sintomas ng Jaundice

  • paninilaw ng sclerae (puting bahagi ng mata), balat at ng mucuous membranes
  • matapang na kulay ng ihi
  • mapusyaw na kulay ng dumi ng katawan

[baguhin] Pag-iwas sa Sakit

  • sikaping hindi malantad (expose) sa nakakahawang baktirya ng hepatitis
  • pagpapabakuna laban sa hepatitis A at hepatitis B
  • pag-iwas sa malimit na pag-inom ng alkohol
  • kumain ng balanseng pagkain
  • regular na pagpapatingin sa doktor

[baguhin] Sanggunian

  • NATAP. (hinango noong Setyembre 11, 2008).
  • Netdoctor. (hinango noong Setyembre 11,2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.