Buwan ng Nutrisyon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

250px|right Ang Buwan ng Nutrisyon ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo taon-taon upang bigyang atensiyon ng publiko ang kanilang nutrisyon na may gabay sa tema. Ang pagdiriwang ng buwan ng Nutrisyon ay inatas noong Hunyo 25, 1974 sa ilalim ng Seksiyon 7 ng Presidential Decree No. 491 o siyang mas kilala bilang Nutrition Act of the Philippines. Ayon sa batas na ito, ang buwan ng Hulyo ay itinalagang Buwan ng Nutrisyon nang sa gayun ay mabigyan ng kamalayan ang bawat Pilipino sa kahalagahan ng nutrisyon.

Mga nilalaman

Mga Tema sa Buwan ng Nutrisyon

Taon Tema
1976 Maximum Utilization of Local Resources
1977 Strengthening the nutrition program at the barangay level
1978 Ugnayan ng kabataan sa nutrisyon
1979 Malusog na bata, malusog na bansa
1980 Wastong nutrisyon, landas tungo sa magandang kinabukasan
1981 Nutrisyon at kaunlaran
1982 Nutrisyon at kabuhayan sa kaunlaran
1983 Tiyakin ang kinabukasan, wastong pagkain ay kaugalian
1984 Wastong nutrisyon sa sariling pagsisikap
1985 Increased family productivity for economic recovery
1986 Sa lakas ng sambayanan, wastong nutrisyon ang kailangan
1987 Sa pagbubuklod ng diwa at bisig, wastong nutrisyon makakamit
1988 Nutrition in development
1989 Sapat na sustansiya, lakas ng pamilya
1990 Malnutrisyon: tuklasin at sugpuin
1991 Sa sama-samang pagkilos, malnutrisyo'y malulutas
1992 Karapatan ng bawat Pilipino, wastong nutrisyon ay matamo
1993 Higit sa lahat, pagkaing sapat
1994 Prutas at gulay ng bayan, taglay ay lakas at yaman
1995 Buto at ngipin patibayin, gatas ating inumin
1996 Kapag kumain nang sapat, wastong timbang ang katapat
1997 Kalusugan tiyakin, sa masustansiya at ligtas na pagkain
1998 Fortified foods kainin, dagdag sustansiya'y kamtin ¾ selyong sangkap pinoy hanapin
1999 Pagkaing sapat siguruhin, wastong nutrisyon ating kamtin
2000 Wastong Nutrisyon: Alamin at Gawin!
2001 Wastong Nutrisyon: Alamin, Gawin at Palaganapin!
2002 Pagkain at paglaki ay bantayan, upang ang wastong nutrisyon ay kamtan!
2003 Kabataan palusugin, isulong ang BREASTFEEDING!
2004 Breastfeeding panatilihin, dagdagan ng wastong pagkain
2005 Batang may kinabukasan, sa wastong nutrisyon simulan
2006 Kumain ng RIGHT, para maging batang BRIGHT!
2007 Healthy Lifestyle ng Kabataan, Landas sa Kinabukasan
2008 Sa wastong nutrisyon ni Mommy, siguradong healthy si baby!
2009 Wastong nutrisyon kailangan, lifestyle diseases iwasan!
2010 Sa pagkain tama at sapat, wastong timbang ni baby ang katapat!
2011 Isulong ang Breastfeeding - Tama, Sapat, at Eksklusibo!

Sanggunian

Panlabas na kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.