Butanding

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Butanding.jpg

Butanding [whale shark]—na ang siyentipikong pangalan ay Rhincodon typus—ang pinakamalaking isda sa Filipinas. Humahaba ito nang mulang siyam hanggang labing-apat na metro, at naninirahan sa maligamgam na tubig ng Bohol at Sorsogon. Karaniwang tumitimbang nang 1.5 libong kilogram ang butanding. Kinakain nito ang maliliit na lamandagat, gaya ng vugi, lumot, hipon, at iba pang maliliit na isda.

Mga nilalaman

[baguhin] Ekoturismo

Tumanyag ang mga butanding sa Donsol, Sorsogon at dinarayo ngayon ito ng mga turista. Pinangangalagaan naman ng mga mangingisda ang naturang balyena, samantalang kumikita ng salapi sa pagtanggap ng mga dayuhang ibig makita yaon o bumili ng anumang produkto ng mga taga-Sorsogon. Inaabangan ng mga turista ang butanding tuwing Enero at Hunyo, at nakatulong ito nang malaki upang lumago ang turismo sa naturang lugar. Bagaman may uri ng butanding sa iba pang bansa, tanging sa Filipinas lamang makikita ang pinakamaraming bilang nito.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.