Bundok Arayat

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Bundok Arayat
Elebasyon: 1,026 m
Sukat: 15.20° N 120.742° E
Lokasyon: Luzon, Filipinas
Uri: Stratovolcano
Unang umakyat: Walang nakaaalam.
Huling pagputok: Walang nakaaalam.

Matatagpuan sa Pampanga ang Bundok Arayat na may taas na 1,125 metro at sukat na 3,715.28 ektarya. Itinuturing na patay na bulkan ang Arayat, at walang nakababatid kung kailan ito huling pumutok.

Tumanyag ang Arayat dahil sa kuwentong bayan na hinggil kay Mariang Sinukuan na siyang tagapangalaga ng mga hayop, ibon, at halaman. Ang sinumang manira ng pook ay pinaniniwalaang makararanas ng higanti ng kalikasan. Nasa paanan ng Bundok Arayat ang Mt. Arayat National Park, ang piknikan na may malalagong halaman at punongkahoy; sariwang talon; dalawang suwimingpul na ang tubig ay mula sa bukal; at di-mabilang na uri ng hayop at halaman.

[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.