Bulkang Pinatubo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Bundok Pinatubo ay isang aktibong bulkan sa pulo ng Luzon sa Filipinas, at nasa interseksiyon ng mga hanggahan ng mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Bago ang 1991, hindi gaanong napapansin ang bundok. Makapal ang gubat nito na sumusuporta sa ilang libong katutubong Agta, na nagsilikas mula sa kapatagan tungong kabundukan nang sinakop ng mga Espanyol ang Filipinas noong 1565.

Hunyo 1991 muling pumutok ang Bulkang Pinatubo pagkatapos ng 500 taong pananahimik, at lumikha ng isa sa malalaki at mararahas na pagputok sa ika-20 siglo. Ang matagumpay na prediksiyon sa pagputok ng bulkan ang nagligtas sa libo-libong buhay. Ang paligid ng bulkan at libo-libong bahay lamang ang nasira. Napilitan din magsara ang Base Militar ng Estados Unidos sa Subic Bay, Olongapo at Clark Field, Pampanga nang tabunan ng abo at lahar ang malalawak nitong lupain.

Naramdaman ang epekto ng pagputok sa buong mundo. Nagbigay ito ng maraming aerosol sa stratosphere. Higit na matindi ito sa kahit anong pagsabog pagkatapos noong 1883 sa Krakatoa. Nagbuo ang mga aerosol ng isang pandaigdigang sapin ng asido sulpurikong abo sa mga sumunod na buwan. Bumaba ang pandaigdigang temparatura sa 0.5 °C (0.9 °F), at nadagdagan ang pagkawasak ng ozone.

[baguhin] Sanggunian

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.