Bulaklak ng Bagong Panahon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sinulat ni Deogracias Rosario, ang Bulaklak ng Bagong Panahon (1926) ay umiinog sa buhay ng lalaking nagmahal sa dalawang babaeng may magkaibang katangian. Si Augusto, na guro sa literatura, ay kinakailangang mamili kung sino ang kaniyang pakakasalan. Ang unang babae, si Ophelia, na estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas, ay agresibo at sumasalungat sa mga halagahang katutubo. Masisipa sa unibersidad si Ophelia nang bumaba ang kaniyang grado. Ang ikalawang babae naman ay si Mayo, na kahit titulado sa unibersidad ng Estados Unidos ay nanatiling magalang at mapagpakumbaba, at nagtrabaho pa bilang social worker. Ilalahad ang salimuot ng ugnayan ng magkasintahang Augusto at Ofelia, ngunit sa bandang huli ay pipiliin ng lalaki si Mayo,dahil ito ang una niyang itinangi't minahal.

Pinaghahambing sa nasabing nobela ang dalawang katangian ng moderno: una, ang pagbabago sa ugali at pananaw hinggil sa halagahang Filipino; at ikalawa, ang pagbabago na may kinalaman sa pagtataglay ng trabaho o propesyon at pagkakamit ng mataas na edukasyon.

[baguhin] Sanggunian

  • Rosario, Deogracias. Bulaklak ng Bagong Panahon, na nalathala noong 1926.

[baguhin] Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.