Bruno Mars

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Bruno Mars

Peter Gene Hernandez
Bruno.jpg
Estado: Mang-aawit, manunulat ng awit, prodyuser
Kapanganakan: 8 Abril 1985
Honolulu, Hawaii
Asawa:
Mga Magulang :
Nationality :

Si Peter Gene Hernandez, mas kilala bilang Bruno Mars, ay isang Pilipino-Amerikanong mang-aawit, manunulat ng awit at prodyuser.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Si Bruno Mars ay ipinanganak noong ika-8 ng Abril 1985 sa Honolulu, Hawaii. Sina Bernadette “Bernie” Hernandez, isang Pilipina, at “Pete", isang Puerto Ricano, ang kanyang mga magulang. Bata pa lamang ay dumayo na ang kanyang ina sa Hawaii. Ang kanyang ama nama'y lumipat sa isla mula Brooklyn, New York. Nagkakilala ang dalawa habang gumaganap sa isang pagtatanghal kung saan mananayaw ng hula si Bernie at tumutugtog naman ng perkusyon si Pete.

Dalawang taong gulang si "Bruno" nang ibigay sa kanya ng kanyang ama ang ganitong palayaw. Noong panahong iyon, sikat ang wrestler na si Brunno Sammartino, na mabilog ang katawan katulad ng kay Bruno Mars noon.

Namana niya ang pagkahilig ng kanyang pamilya sa musika at sa edad na apat, umaawit na siya tuwing may pagtatanghal ang banda ng kanyang tiyo. 'Di nagtagal ay itinanghal na siyang pinakabatang impersonator ni Elvis Presley. Noong 1990, sa edad na lima, naitampok siya sa Midweek bilang “Little Elvis” at noong 1992 ay nakakuha si Bruno Mars ng maliit na bahagi sa pelikulang “Honeymoon in Vegas”. Naging impersonator din siya ni Michael Jackson para sa isang pagtatanghal.

[baguhin] Pagsikat

Noong 2003, nagtapos siya mula sa President Theodore Roosevelt High School sa edad na 17. Agad siyang lumipat patungong Los Angeles (kung saan nauna nang naninirahan ang kanyang ate) upang ipagpatuloy ang karera sa pag-awit. Pumirma siya ng kontrata sa ilalim ng Motown Records noong 2004 ngunit hindi siya naging matagumpay doon. Gayunpaman, nakabuti na rin ang paglalagi niya sa nasabingrecord label dahil doon niya nakilala si Philip Lawrence na naging katambal niya sa pagbubuo ng “The Smeezingtons”, isang pangkat na sumusulat at nagpoprodyus ng mga awit. Nakagawa ang dalawa ng mga kantang naging sikat, tulad ng Right Round ni Flo Rida, Billionaire ni Travie McCoy, Long Distance ni Brandy, at Waving Flags ni K'Naans.

Noong 2010, kasunod ng tagumpay ng kanyang kolaborasyon kay B.o.B. sa “Nothin' on You” at kay Travie McCoy sa “Billionaire”, sinimulan niya ang kanyang solo career sa pamamagitan ng paglunsad ng una niyang extended play (EP) na ”It's Better If You Don't Understand” noong ika-28 ng Setyembre 2010.

Ang debut album naman niyang “Doo-Wops & Hooligans” ay nailunsad noong ika-5 ng Oktubre 2010. Ang pangunahing single nitong “Just the Way You Are” ay agad nakapasok sa unahan ng Billboard Hot 100. Gayun din ang ”Grenade” na naging matagumpay sa mga international chart.

Nainomina siya para sa 7 Grammys noong ika-53 na Grammy Awards at nahirang siyang Best Male Pop Vocal Performance para sa ”Just the Way You Are”.

[baguhin] Pagtatanghal sa Pilipinas

Bilang bahagi ng kanyang concert tour sa buong daigdig, nagtanghal si Bruno Mars sa harap ng kanyang mga kababayan sa Cebu at Maynila. Noong ika-7 ng Abril sa Waterfront Hotel, Cebu at noong ika-8 ng Abril 2011 sa Araneta Coliseum, Lungsod ng Quezon.

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.