Brillante Mendoza

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|200px|Si Brillante "Dante" MA. Mendoza, nanalo bilang Best Director sa 62nd Cannes Film Festival.

Si Brillante “Dante” Mendoza ay isang tanyag na Pilipinong direktor ng indie film sa Pilipinas. Ang kaniyang mga pelikula ay tumanggap na ng mga karangalan sa ibang bansa kabilang dito ang kaniyang full-length na pelikulang Kinatay (The Execution of P) kung saan si Mendoza ay nanalo ng Best Director plum sa 62nd Cannes International Film Festival. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng ganitong parangal.

Mga nilalaman

[baguhin] Talambuhay

Siya ay isinilang noong 1960 sa San Fernando, Pampanga. Kumuha siya ng kursong Advertising sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hindi man siya nakakuha ng kahit anong kurso ukol sa paggawa ng pelikula, ngunit ang kaalaman niya sa fine arts ang nagmulat sa kaniya sa paggamit ng kulay sa kaniyang mga obra.

[baguhin] Karera

Nakilala bilang Dante Mendoza, nagsimula siyang pumasok sa mundo ng pelikula bilang isang production designer. Kilala sa kaniyang sipag at pagpupursigi, agad siyang binigyang parangal sa kaniyang unang dalawang pelikul, ang Takaw Tukso (1986) at Private Show (1986). Naging bunga ng mga parangal na ito ang sunud-sunod na mga proyekto at hindi nagtagal, siya ay naging isang tanyag na production designer sa pelikula, telebisyon, at maging sa mga commercials at mga music videos'.

Simula 1990 hanggang 2004, naging production designer siya ng ilan sa mga commercial ng mga sikat na kumpanya katulad ng Asia Brewery, Globe, Jollibee, McDonald's, Procter and Gamble Philippines, PLDT, San Miguel Brewery, Smart at Uniliver Philippines. Ang nabuo niyang mga koneksyon sa mga malalaking tao sa industriyang ito ang nagsilbing mga daan upang makagawa siya ng sarili niyang pangalan sa industriya ng telebisyon.

Sa edad na 45, tinulungan siya ng kaniyang kaibigan upang mapondohan ang kaniyang unang pelikula ang Masahista (The Masseur) noong 2005. Ito naman ay agad na nasundan ng mga matatagumpay na pelikula tulad ng Foster Child noong 2007, Tirador (Slingshot) noong 2007 at Serbis noong 2008. Lahat ng kaniyang mga pelikula ay kabilang sa mga pelikulang pinalabas sa mga nakaraang Cannes Film Festivals.

Taong 2009, napili si Mendoza upang lumahok sa Hong Kong Asian Film Financing Forum kasama ang 27 na mga direktor sa iba't-ibang sulok ng Asya. Noong 23 Marso hanggang 13 Abril 2009, nakipagsabayan siya sa mga direktor mula sa Australia, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South korea, Singapore, Taiwan, Thailand, at Vietnam para naman sa Hong Kong International Film Festival. Sa taong din iyon, tinanggap ni Mendoza ang Best Director award mula sa 62nd Cannes Film Festival para sa kaniyang pelikulang Kinatay (The Execution of P). Tinalo niya ang ilan sa mga kilalang direktor sa ibang bansa na kalahok din sa Cannes katulad nila Quentin Tarantino (Inglorious Basterds) at Ang Lee (Taking Woodstock). Katulad ng sinapit ng kaniyang pelikulang lumahok sa Cannes noong nakaraang taon, inulan din ng samu't saring mga pagsusuri mula sa mga films critics ang Kinatay na naging dahilan naman upang bansagan si Mendoza bilang isang ”love-him-or-hate-him” na direktor.

[baguhin] Mga Obra

thumb|150px|Opisyal na Movie Poster ng Kinatay (The Execution of P) sa 62nd Cannes Film Festival. Naging art director siya para sa pelikulang Virgin Forest (1985). Subalit, nagsimulang nakilala si Mendoza bilang isang production designer at naging parte ng tagumpay ng mga obra katulad ng Takaw Tukso (1986), Private Show (1986), Mga Lihim ng Kalapati (1987), Olongapo... The Great American Dream (1987), Si Baleleng at ang Gintong Sirena (1988), Mula Paa Hanggang Ulo (1989), at Valentina (1989). Nabigyan ang mga pelikulang Takaw Tukso at Private Show ng Best Production Design mula sa Gawad Urian Awards noong 1987.

Tila ba isang pelikula, bumenta sa takilya ang kagalingan ni Mendoza bilang isang production designer kaya naman sinubok niya ang kaniyang kapalaran sa pasusulat ng mga kuwento ng ilan sa kaniyang mga pelikula kabilang dito ang Masahista (2005) at Kaleldo (2006) kung saan siya din ang ganing direktor. Nagsilbing direktor din siya ng mga pelikulang Manoro (2006), Pantasya (2007), Foster Child (2007), Tirador (2007), Serbis (2008) at Kinatay (2009).

Sumubok din siya ng karera bilang isang film producer at ilan sa kaniyang na-prodyus na pelikula ay ang Siquijor: Mystic Land (2007) at Twilight Dancers (2006) kung saan siya ay naging executive producer at ang Kaleldo (2006) kung saan siya ang naging producer.

Si Mendoza din ang naging cinematographer ng ilan sa kaniyang mga pelikula katulad ng Manoro (2006), Pantasya (2007) at ng Tirador (2007).

[baguhin] Mga Parangal

Taon Parangal Kategorya Resulta Pelikula Resipiyente
2009 Cannes Film Festival Best Director Winner Kinatay (The Execution of P) (2009) Brillante Mendoza
2009 Asian Film Awards Best Director Nominated Serbis (2008) Brillante Mendoza
2008 Bangkok International Film Festival Golden Kinnaree Award Winner Serbis (2008) Brillante Mendoza
2008 Berlin International Film Festival Caligari Film Award Winner Tirador (2007) Brillante Mendoza
2008 Brisbane International Film Festival Netpac Award Winner Foster Child (2007) Brillante Mendoza
2008 Cannes Film Festival Golden Palm Nominated Serbis (2008) Brillante Mendoza
2008 Durban International Film Festival Best Film Winner Foster Child (2007) Brillante Mendoza
2008 Gawad Urian Awards Best Cinematography Winner Tirador' (2007) Brillante Mendoza, Jeffrey Dela Cruz, Gary Tria, and Julius Villanueva
2008 Gawad Urian Awards Best Direction Nominated Foster Child (2007) Brillante Mendoza
2008 Las Palmas Film Festival SIGNIS Award Winner Foster Child (2007) Brillante Mendoza
2008 Singapore International Film Festival FIPRESCI/NETPAC Award Winner Tirador (2007) Brillante Mendoza
2008 Singapore International Film Festival Silver Screen Award/Best Asian Director Winner Tirador (2007) Brillante Mendoza
2007 FAMAS Awards Best Director Nominated Kaleldo (2006) Brillante Mendoza
2007 FAMAS Awards Best Story Winner Kaleldo (2006) Brillante Mendoza and Boots Agbayani Pastor
2007 FAP Awards Best Director Nominated Kaleldo (2006) Brillante Mendoza
2007 Gawad Urian Awards Best Direction Nominated Kaleldo (2006) and Manoro (2006) Brillante Mendoza
2007 Jeonju Film Festival Netpac Award Winner Kaleldo (2006) Brillante Mendoza
2007 Marrakech International Film Festival Special Jury Award Winner Tirador (2007) Brillante Mendoza
2007 Marrakech International Film Festival Golden Star Nominated Tirador (2007) Brillante Mendoza
2006 Cinemanila International Film Festival Best Director - Local Winner Manoro (2006) Brillante Mendoza
2005 Locarno International Film Festival Golden Leopard - Video Winner Masahista (2005) tied with Les états nordiques (2005) Brillante Mendoza
1987 Gawad Urian Awards Best Production Design Winner Takaw Tukso (1986) and Private Show (1986) Brillante Mendoza

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Mga Panlabas na Kawing

  • Introduction and Background Information of Serbis (PDF Format)
  • Alvarez, Michelle. "Brillante Mendoza to vie for Palme d'Or". [2](hinango noong 27 Mayo 2009)
  • Tan, Fidelis. "Grit and blood in Brillante Mendoza's Kinatay". [3] (hinango noong 27 Mayo 2009)
  • Sta. Maria, Ofelia T. "Brillante Mendoza wins best director at Cannes". [4] (hinango noong 27 Mayo 2009)

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.