Bibliya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Ang Bibliya, Biblya (ponemikong baybay), o Biblia (mala-Kastilang baybay) ay isang kalipunan ng mga itinuturing na Banal na Kasulatan sa Hudaismo at Kristiyanismo. Bagaman isinulat ito ng mga, itinuturing din itong "mismong salita ng Diyos.".

Mga nilalaman

[baguhin] Bilang Kanon ng Hudaismo

Para sa mga Hudiyo, kinapapalooban lamang ng 39 kasulatan ang Bibliya, at tinatawag na Tanakh (Ebreo: תנ״ך) o Miqra’ (Ebreo: מקרא). Kinalalangkapan ang Biblyang Ebreo ng mga sumusunod na bahagi. Binabanggit sa talang ito ang katawagan sa Tagalog na sinundan ng sulat at pagkakabigkas sa Ebreo.

[baguhin] Tora (תורה)

[baguhin] Mga Propeta (נביאים, Nevi’im)

Padron:Mga Tipan ng Bibliya

Talaksan:Gutenberg Bible.jpg
Larawan ng binuklat na Bibliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos.

[baguhin] Mga Kasulatan (כתובים, Ktuvim)

[baguhin] Kanong Kristyano

Bukod sa Biblyang Ebreo na tinutukoy ng mga Kristyano bilang ang Lumang Tipan, kasama sa kanong Kristyano ang Bagong Tipan na kinapapalooban ng 27 kasulatan kabilang ang apat na Ebanghelyo, Gawa ng mga Apostol, sulat ng mga Apostol sa mga naunang simbahan at Ang Pahayag kay Juan.

May pagkakaiba ang mga pagkakabuo ng mga kanon sa pagitan ng Katolisismo, Ortodoksya, Protestantismo, atbp. Sumusunod ang mga kanon ng mga pangunahing sangay.

[baguhin] Katolisismo

Sakop ng kanong Katoliko ang Biblyang Ebreo at ang Bagong Tipan, pati na rin ang mga sumusunod na aklat na tinatawag na mga deuterokanoniko:

[baguhin] Ortodoksya

Sakop ng kanong Ortodokso ang lahat ng mga aklat ng biblyang Katoliko kasama ang 3 Macabeos, Awit 151, 1 Esdras, o minsan pati ang 4 Macabeos.

[baguhin] Protestantismo

Sakop ng kanong Protestante ang orihinal na Biblyang Ebreo at ang Bagong Tipan.

[baguhin] Modernong Salin

Sa Pilipinas marami nang salin ng Banal na Kasulatan ang nailabas. Ang ilan dito ay mas madaling maunawan kung ikukumpara sa mga sinaunang salin. Isa na rito ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

{{#if:||}}


Mula sa Griegong salita na bi·bli´a, na ibig sabihin "maliliit na aklat." Ito, sa katunayan, ay hinango mula bi´blos, isang salita na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus na mula dito ginagawa ang papel. Ang lungsod ng Gebal sa Phoenicia ay tinawag ng mga Griego na "Byblos" dahil kilala ang lugar na ito sa paggawa ng papel na papirus. Sa paglipas ng panahon ang bi·bli´a ay lalo pang nakilala bilang mga sulat, mga iskrol, mga aklat hanggang sa naging mga koleksyon ng maliliit na aklat na bumubuo sa Biblia. Ang koleksyon na ito ay tinawag ni Jerome na Bibliotheca Divina, ang Banal na Aklatan.

Tinukoy ni Jesus at ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (Bagong Tipan) ang koleksiyon ng banal na mga sulat na ito bilang "ang Kasulatan," o "ang banal na Kasulatan," "ang banal na mga sulat." (Mat 21:42; Mar 14:49; Luc 24:32; Ju 5:39; Ga 18:24; Ro 1:2; 15:4; 2Ti 3:15, 16)

[baguhin] Paghahati

Animnaput-anim na aklat ang bumubuo sa kanon ng Bibliya, mula Genesis hanggang Apocalipsis (Pahayag). Tatlumput-siyam ang Hebreo at 27 naman sa Griego kasama na ang iilang bahagi na isinulat sa Aramayko (Ezr 4:8–6:18; 7:12-26; Jer 10:11; Dan 2:4b–7:28) Ang paghahati sa Bibiya na may mga kabanata at talata (ang KJV ay may 1,189 kabanata at 31,102 talata) ay hindi ginawa ng orihinal na mga manunulat, ngunit ang bagay na ito ay nakatulong ng malaki makalipas ang ilang siglo. Hinati ng mga Masoret ang Hebreong Kasulatan sa mga talata; at noong mga ika-13 siglo ng ating Karaniwang Panahon (C.E.) idinagdag naman ang paghahati-hati ng kabanata. Nang dakong huli, noong 1555 inilathala ni Robert Estienne ang edisyong Latin Vulgate bilang ang kauna-unahang Biblia na may kompletong kabanata at talata na ginagamit hanggang ngayon.

Walang ibang aklat tulad ng Bibliya na matagal ang lumipas bago nakompleto. Pinasimulan ni Moises ang pagsulat ng Bibliya noong 1513 B.C.E. Naidagdag ang ilang sagradong mga isinulat sa pagtapos ng 443 B.C.E nang nakompleto nina Nehemias at Malakias ang kanilang aklat. Nagkaroon ng pagitan ang pagsulat ng Bibliya nang halos 500 taon, hanggang sa naisulat ng apostol na si Mateo ang kaniyang makasaysayang dula. Halos 60 mga taon nang dakong huli nang si Juan, ang huli sa mga apostol, ay nagbahagi ng kaniyang aklat at tatlong mga sulat para makompleto ang kanon ng Bibliya. Kung gayon, lahat-lahat, may kabuuang 1,610 mga taon ang sangkot sa pagkagawa ng Bibliya.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Panlabas na Kawing

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Bibliya. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.