Beta Mu Sigma

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Beta Mu Sigma o Brotherhood of Medical Scholars (BMS) ay isang medical fraternity sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ito ang pinakamatanda, pinakamalaki at nag-iisang panlalaking samahan sa College of Medicine ng nasabing pamantasan. Itinatag ang BMS noong 17 Disyembre 1987 at nakarehistro ito sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Lahat ng proyekto at programa ng BMS ay naglalayong sumuporta sa mga prinsipyo ng kagalingang pang-akademya (academic excellence), kapatiran (brotherhood), serbisyong panlipunan (community service) at pamumuno (leadership).

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Proyekto

Taun-taon nagsasagawa ang BMS ng mga proyekto sa loob at labas ng pamantasan. Kinabibilangan ang mga ito ng mga medical mission, surgical mission, mga kampanya patungkol sa AIDS at bloodletting, mga tutorial at gift-giving. Kasama ng BMS ang iba’t ibang non-government organization (NGO) at socio-civic group gaya ng Philippine National Red Cross, Rotary Club, Ayala Foundation, Remedios AIDS Foundation at CHD Bunso. Bilang sagot sa adhikain na palaganapin ang sakop ng BMS, itinatatag kamakailan ang Brotherhood of Medical Scholars Alumni Association, Inc. Isa itong NGO na kinikilala ng SEC. Layunin nitong patatagin at pausbungin ang apat na haligi ng BMS sa iba pang bahagi ng Pilipinas at sa labas ng bansa.

[baguhin] Mga Gantimpala

Sa loob ng halos dalawang dekada, pinagkalooban ang BMS ng iba’t ibang gantimpala para sa mga proyekto nito at pakikisangkot sa mga gawaing panlipunan. Ang BMS ang organisasyon na may pinakamaraming gantimpalang natanggap sa College of Medicine. Ilan sa mga gantimpala nito ang: Isa sa Sampung Pinakatatanging Organisasyon sa Manila para sa taong 1990, 1991, 1991 at 1995; Isa sa Tatlong Pinakatatanging Organisasyon sa Metro Manila para sa taong 1992; Presidential Award para sa Pinakatatanging Organisasyong Pang-akademya sa PLM para sa taong 1990 at 1991; Tanging Banggit Award para sa Serbisyong Panlipunan sa PLM para sa taong 1990 at 1991; at Molave Award para sa Pinakatatanging Organisasyong Pang-Akademya sa PLM para sa taong 2002. Para sa sampung taong boluntaryong pagseserbisyo, pinagkalooban din ng Red Cross ang BMS ng National Red Cross Bronze Merit Medal Award noong 2007.

[baguhin] Mga Katangi-tanging Miyembro

Mula nang maitatag ito, ang BMS ay nangalaga na sa mga katangi-tanging mga miyembro. Ilan sa mga ito ay nanatiling aktibo sa serbisyong panlipunan at akademya at nagkaroon ng mga mahahalagang posisyon sa mga institusyon at organisasyon. Kabilang dito sina Dr. Bu Castro, dating pangulo ng Philipine Medical Association at Dr. Senen Reyes, ang nag-iisang Pilipinong Cosmonaut-Doctor na naging kasapi ng humanitarian mission sa Chernobyl disaster sa Ukraine.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.