Bayaning Third World

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Bayaning Third World ay isang pelikulang Pilipino sa direksyon ni Mike de Leon. Siniyasat ng pelikulang ito ang kabayanihan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Layunin ng pelikula na mapaantig ang damdamin ng bawat Pilipino na suriing muli ang kanilang pananaw hindi lamang sa nasyonalismo at makabagong tao maging ang kanilang posisyon at kaugalian sa pagsamba ng bayani, paglikha ng mito, at pambabathala. [1]


Bayaning Third World
Bayaningthirdworld.jpg
Director: Mike de Leon
Music: Lorrie Ilustre
Starring: Ricky Davao
Joel Torre
Cris Villanueva
Cherry Pie Picache
Rio Locsin
Distributor  : Star Cinema
ABS-CBN Film Productions Inc.
Cinematography : Ding Achacoso
Editing : Armando Jarlego
Released: 1999
Country: Philippines
Language: English
Tagalog
Filipino
Distributor: Philippines
Awards: Gawad Urian: Pinakamahusay na Pelikula


Mga nilalaman

[baguhin] Buod

Itim at puti ang kulay ng buong pelikula upang maging angkop sa panahon na kinabibilangan ni Rizal. Layunin nito na siyasatin ang buhay ni Rizal habang sinusuri ang impluwensiya nito sa modernong mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga tauhan. Pinapakita nito ang pagyakap ng isang pambansang simbolo sa kulturang Pilipino sa halip na ang katotohanan sa likod ng mito. Hinaluan din ang pelikula ng mga pag-aaral sa mga sinulat ni Rizal tulad ng kaniyang liham ng retraksyon. [2] Inihain din sa pelikula ang mga tanong na “Sumulat at lumagda nga ba si Rizal ng liham ng retraksyon na bumabawi sa lahat ng kaniyang sinabi at umanib ng muli sa simbahang Katolika?”; “Ikinasal nga ba sila ng kanyang katipan na si Josephine Bracken?”; at “'Kinain nga ba niya ang lahat ng kaniyang sinabi para lamang pakasalan si Josephine Bracken?” [3] Sa wakas ng pelikula, matapos pag-aralan ang lahat ng dokumento at maghanap ng mga patunay ukol sa misteryo ng mga liham ni Rizal, matutuklasan ng dalawang filmmaker na ang pagtuklas sa ultimatong katotohanan sa alamat ay isang layuning hindi maaaring maisakatuparan.

[baguhin] Mga tauhan

[baguhin] Mga tao sa likod ng pelikula

  • Mike de Leon – Direktor
  • Ding Achacoso – Sinematograpiya
  • Armando Jarlego - Editor
  • Lorie Ilustre – Musika
  • Mike de Leon – Prodyuser
  • Wilson Tieng – Ehekutibong Prodyuser
  • Roy Lachica – Disenyo ng Produksiyo

[baguhin] Mga parangal

Ang mga sumusunod ay ang mga parangal na nakamit at naihalal para sa pelikulang Bayaning Third World:

Taon Kategorya Parangal Resulta
2001 Best Achievement in Cinematography and Visual Design Young Critics Circle Award Nakamit
2001 Best Achievement in Film Editing Young Critics Circle Award Nakamit
2001 Best Achievement in Sound and Aural Orchestration Young Critics Circle Award Nakamit
2001 Pinakamahusay na Pelikula Young Critics Circle Award Nakamit
2001 Pinakamahusay na Pagganap Young Critics Circle Award Nominado
2001 Pinakamahusay na Dulang Pampelikula FAMAS Award Nominado
2001 Pinakamahusay na Istorya FAMAS Award Nominado
2001 Pinakamahusay na Pelikula FAP Award Nominado
2000 Pinakamahusay na Sinematograpiya Gawad Urian Award Nakamit
2000 Pinakamahusay na Direksiyon Gawad Urian Award Nakamit
2000 Piankamahusay na Musika Gawad Urian Award Nakamit
2000 Pinakamahusay na Pelikula Gawad Urian Award Nakamit
2000 Pinakamahusay na Tunog Gawad Urian Award Nakamit
2000 Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Gawad Urian Award Nakamit
2000 Pinakamahusay na Pangunahing Aktor Gawad Urian Award Nominado
2000 Pinakamahusay na Editing Gawad Urian Award Nominado
2000 Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon Gawad Urian Award Nominado
2000 Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Gawad Urian Award Nominado
2000 Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Gawad Urian Award Nominado

[baguhin] Sangggunian

  1. Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Bayaning Third World (1999) binisita noong: 17 Hunyo 2011.
  2. Rovi, Jason B. Buod:Bayaning Third World binisita noong: 17 Hunyo 2011.
  3. dementedguy.wordpress. Bayaning Third World (2000) binisita noong: 17 Hunyo 2011.

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.