Bayanihan Folk Dance Company

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Bayanihan National Folk Dance Company, na ang opisyal na taguri ay “Ang Pambansang Kompanya ng Katutubong Sayaw sa Filipinas” (The Philippine National Folk Dance Company), ay itinatag ni Helena Z. Benitez sa doon sa Philippine Women's University noong dekada 1950. Noong 1957, hiniling ni Pang. Ramon Magsasaysay na maging kinatawan ng Filipinas ang Bayanihan sa Brussels International Competition sa Belgium. Hindi naman binigo ng pangkat ang pangulo, at pinahanga ang buong Europa at iba pang bansa sa masining na pagtatanghal ng katutubong sayaw. Nakilala ng daigdig mula noon ang natatanging katutubong indak, kasuotan, musika, disenyo, at iba pa ng Filipinas. Tumabo sa Broadway ang Bayanihan nang magtanghal ito noong 1959, at pagkaraan ay nagbunsod ng 14 pagtatanghal sa buong daigdig, bukod pa sa mahigit 100 paglilibot sa ilang bansa. Ngunit ang higit na maganda'y nagtanghal ang Bayanihan sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at sa iba't ibang lalawigan, mulang mariringal na entablado hanggang payak na bulwagan.

[baguhin] Gawad at Parangal

Tumanggap ng sari-saring gawad at parangal ang Bayanihan, at kabilang dito ang Gawad Ramon Magsaysay para sa Pandaigdigang Pag-unawa sa Katutubong Sayaw. Opisyal na kinilala rin ng Pambansang Pamahalaan ang Bayanihan bilang “Pambansang Kompanya ng Katutubong Sayaw sa Filipinas” sa bisa ng Batas Republika bilang 8626. Nagpalabas naman ng Kautusang Tagapagpaganap 138 si Pang. Joseph Ejercito Estrada na nagtatakda sa May 27 kada taon bilang “Araw ng Bayanihan” upang ipagunita ang tagumpay ng pangkat sa Brussels, at upang maisaloob ng mga Filipino ang pambihirang halagahan ng “bayanihan” o pagtutulungan ng mga tao—na ang bayani ay lahat at hindi lamang iisang tao.

Noong 2002, sinungkit ng Bayanihan ang Gold Temple Award sa ika-57 Sagra del Mandorio sa Fiore at ika-47 Festival Intenationale del Folklore sa Italya. Muling nagwagi ang Bayanihan sa Fiore noong 2005, at noong 2007 ay pinangunahan Primer Premi Mundial (Pandaigdigang Pangunahing Premyo) sa La Palma de Mallorca, Espanya, at sinundan ng pagwawagi ng Gold Bridge Folk Dance Competition sa Istanbul, Turkey.

[baguhin] Sanggunian

  • Hango sa artikulong “Surging to the Crest: Half Century of Bayanihan” na nalathala sa Bayanihan noong 29 Nobyembre 2007.
  • Hango sa CCP noong 29 Nobyembre 2007.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.