Bayabas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Bayabas (guava)

Ang Bayabas (Psydium guajava) ay isa sa pinakapopular na halamang-gamot sa Pilipinas. Ito ay isang maliit na puno na maaaring lumaki hanggang tatlong metro na may maberde at kulay kapeng balat ng kahoy.

Bilang isang halamang gamot,pinakikinabangan ang prutas ng bayabas,kabilang na ang balat at dahon nito. Ang balat at dahon din ay maaring gamiting pampahilom ng sugat. Ang karaniwang gamit ng mga dahon nito ay upang malinis at maalis ang mikrobyo ng sugat sa pamamagitan ng pagbabanlaw sa apektadong bahagi. Ang prutas na bayabas, bukod sa masarap ay may purong katas ng bitamina C. Ipinapayo lamang na limitahan ang pagkain nito upang hindi maging sanhi ng konstipasyon.

Mga nilalaman

[baguhin] Gamit ng Bayabas

  • Naglilinis at tumutulong upang maghilom ang sugat
  • Pinapatay ang bakterya at amag
  • Ginagamit kapag ang bata ay nagtatae
  • Ginagamit kapag mataas ang presyon ng dugo, kapag may diabetes at hika
  • Tumutulong para sa pagreregla
  • Tumutulong kapag masakit ang ngipin
  • Tumutulong sa paglilinis ng ngipin
  • Gamot para sa hilo
  • Gamot para sa pamamaga ng gilagid

[baguhin] Preparasyon

  • Durugin ang sariwang usbong at ipaamoy sa nahihilo
  • Maglaga ng limang kutsara ng tinadtad na dahon sa dalawang punong baso ng tubig sa loob ng labinlimang minuto.Palamigin.Salain.Luglugan ang bibig, gamiting pangmumog tatlong beses isang araw para sa namamagang gilagid
  • Pakuluan ang tinadtad na dahon sa dalawang baso ng tubig sa loob ng labinlimang minuto.Palamigin. Salain.Hatiin sa dalawang bahagi, ipainom ang una. Painuming muli makalipas ang tatlo o apat na oras para sa nagtatae.
  • Hugasang mabuti ang sariwang usbong. Gamitin sa pagsesepilyo.Gawin ito matapos kumain upang malinis na mabuti ang ngipin
  • Maglagay ng dalawa hanggang tatlong sariwang usbong sa loob ng bibig. Nguyain at hayaang mamalagi sa masakit na bahagi ng ngipin.

[baguhin] Sanggunian

  • The Family Health Guide.Departamento ng Kalusugan.Commission on Population.Population Center Foundation:1987
  • Philippine Herbal Medicine. (Hinango noong Abril 23,2008)

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.