Batas Republika Blg. 8749

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Higit na kilala sa tawag na Philippine Clean Air Act of 1999', ang Batas Repulika Blg. 8749 ay itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang batas na nalikha sa bansa. Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin.

Ang Department of Environment and National Resources (DENR) ang pangunahing ahensyang tututok sa pagpapatupad ng batas na ito.

[baguhin] Ilang mahahalagang probisyon

Ang DENR ay inaatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong makontrol at mapigilan ang polusyon sa hangin sa bansa. Katuwang ng DENR ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng National Statistical Coordination Board, mga lokal na pamahalaan at non-government organizations.

Magsasagawa rin ang DENR ng mga pag-aaral katuwang ng Department of Science and Technology, mga NGO, mga pribadong ahensya at akademya ukol sa pagkontrol ng polusyon sa hangin. Sa ilalim ng probisyong ito, bubuo ang DENR ng National Research and Development Program.

Ang nasabing ahensya ay inaatasan ding bumuo ng emission standards para sa mga industriya at mga katulad na establisyamento na naglalabas ng mga pollutant sa hangin. Ang mga nasabing pamantayan ay nagsasaad ng maximum limit ng pollutant na maaaring ibuga ng mga industriya.

Dahil malaking porsyento ng pollutant ay nanggagaling sa mga sasakyan, isinasaad ng batas ang pagkakaroon ng emission standards para sa mga sasakyan. Nakapaloob sa mga pamantayan na ito ang maximum limit ng mga pollutant na manggagaling sa mga sasakyan. Isinasaad din sa probisyon ang pagsasapatupad ng pagsusuri, pag-iinspeksyon at pag-momonitor ng emission.

Bukod dito, ipinagbabawal din ng batas ang paninigarilyo sa mga pampublikong gusali, mga pampublikong sasakyan at iba pang lugar na hindi itinalaga para sa paninigarilyo at ang pagsusunog (incineration) ng mga biochemical at hazardous waste na maaaring magsanhi ng mga mapanganib na pollutant.

May kaukulang parusa ang mga paglabag sa mga probisyon ng batas, gaya ng multa at pagkakakulong.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.