Batas Pilipinas 1902

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay kilala rin sa tawag na Batas Cooper. Pinagtibay ito noong Hulyo 2, 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilango dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.


Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginnap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.