Batas Hare-Hawes-Cutting

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ng 1933 ay ang kauna-unahang batas ng Amerika na ipinasa para sa kalayaang pampolitika ng Filipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Noong 1932, tinamaan ng Great Depression ang Estados Unidos na ikinapangamba naman ng mga magsasaka dahil sa posibilidad ng pag-aangkat ng pamahalaan ng mga bilihin gaya ng asukal at mantika mula sa Filipinas (na noon ay di nakasailalim sa taripa ng Amerika). Nabatid ng pamahalaang Amerika na higit na makakabawi ang kanilang ekonomiya kung bibigyan na ng kalayaan ang Filipinas, na hangad na rin ng Pangulong Manuel L. Quezon noong panahong iyon. Disyembre 1932 nang ipasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting, ngunit ipinagpaliban muna ito ni Pangulong Hoover. Noong 17 Enero 1933 nang tuluyan nang ipatupad ng Kongreso ang naturang batas.

[baguhin] Layunin at Resulta

Ipinapangako ng batas na matatamo ng Filipinas ang kaniyang kalayaan makalipas ang sampung taon, samakatuwid, sa taong 1943. Ang kalayaang ito ay di lubusan, bagkos ay limitado. Mananatili pa rin na nasa ilalim ng impluwensiya, kung hindi man kapangyarihan, ng Amerika ang mga base militar at nabal ng bansa. Alinsunod dito, nagtakda ng taripa at kaukulang bilang ng mga produktong iniaangkat mula sa Filipinas. Mistulang di makatarungan ang batas na ito kaya't napagpasiyahan ni Pangulong Quezon na ibasura ang nasabing batas. Sinang-ayunan naman ito ng Senado at sila'y nagbalangkas ng bagong batas na pinanigan ni Pangulong Franklin Roosevelt. Ito ay kinilalang Batas Tydings-McDuffie ng 1934.

[baguhin] Sanggunian

  • Schultz, Jeffrey D. Encyclopedia of Minorities in American Politics. Arizona: Oryx Press, 2000.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.