Batas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang batas, sa politika at hurisprudensiya, ay ang mga katipunan ng alituntunin sa pag-aasal na nag-uutos o nagbabawal (o pareho) sa isang partikular na aspeto ng pamumuhay. Itinatakda nito ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan at ng iba't ibang yunit ng pamahalaan. Nagsisilbing gabay ang batas sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa't isa at sa pamahalaan. Itinatakda ng ilang batas ang mga kaparusahan sa mga hindi sumusunod sa mga nakatatag na alituntunin sa pag-aasal. Kadalasang itinatangi ang ganitong uri ng batas sa itaas sa mga batayang batas sa metapisika na maaaring ilapat sa lahat ng nilalang.

Sa Pilipinas, ang Kongreso ang nagsisilbing pambansang tagapagbatas. Binubuo ito ng dalawang sangay, ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Pambansa ang sakop ng karamihang mga batas na pinagtitibay ng Kongreso.

Maging ang mga lokal na pamahalaan ay mayroon ding mga konsehong tagapagbatas. Ang sangguniang panlalawigan ang bumabalangkas at nagpapatibay ng mga lokal na batas (ordinansa) na ipinatutupad sa buong lalawigan. Ang sangguniang panlungsod naman ang gumagawa ng mga ordinansang ipinatutupad sa lungsod, samantalang ang sangguniang bayan ang gumagawa ng mga ordinansang ipinatutupad sa bayan o munisipyo. Samantala, ang sangguniang barangay ang nagsisilbing konsehong tagapagbatas ng barangay.

Bilang pagkalahatang tuntunin, dapat na naaayon sa saligang batas at mga pambansang batas ang mga ordinansang pinagtitibay ng mga lokal na konsehong tagapagbatas.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.