Basketbol

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Basketbol ang tawag sa larong binubuo ng dalawang pangkat, na ang bawat pangkat ay may tiglilimang manlalaro sa loob ng palaruan (court). Layon ng laro na maibuslo ang bola sa iba't ibang paraan doon sa ring na nakapuwesto sa magkabilang dulo ng palaruan. Mapatatalbog at maipapasa ang bola sa loob ng parihabang palaruan, ngunit alinsunod lamang sa mga patakaran ng paglalaro nito.

May isa hanggang tatlong reperi ang namamahala sa laro, at nagpapasiya hinggil sa mga kilos at asal ng mga manlalaro. Samantala, may kani-kaniyang coach ang bawat koponan, at siyang nag-iisip ng plano at estratehiya hinggil sa pag-atake at pagdepensa sa mga kalaban. Ang basketbol ay maaaring laruin sa loob o labas ng gusali, umulan man o umaraw.

Basketbol din ang tawag sa bolang ginagamit sa larong ito, at karaniwang may sirkumperensiyang 0.725 metro ang sukat. Inimbento ni James Naismith ang larong basketbol noong 1891, at mula noon ay nagkaroon na ng sari-saring panuto, gaya sa foul, pagblangka, pagdribol, pagsiyut, at iba pa.

Sanggunian

  • Almario, Virgilio S, punong editor. UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod Pasig: Anvil Publishing House at UP Sentro ng Wikang Filipino.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.