Banaag Festival
Mula Wikifilipino
Ang Banaag Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon sa Anilao, Iloilo tuwing Nobyembre 5. Ang salitang banaag ay nangangahulugang “nag-aalab na liwanag.” Inilunsad ito bilang paggunita sa katapangan ng mga mamamayan ng Anilao na makipaglaban para sa kalayaan at kapayapaan.
Nilalaman |
Pagdiriwang
Nakipaglaban ang mga ninuno ng mga taga-Anilao sa mga Moro para sa kanilang kalayaang mamuhay sa naturang lugar. Isang malaking bahagi ng pagdiriwang ang pagsisindi ng mga sulo at pagsasayaw bilang paggunita at pagkilala sa ginawa ng kanilang mga ninuno. Ang apoy ay sumisimbulo sa pagwawagi ng liwanag laban sa kadiliman at ng kabutihan laban sa kasamaan.
Anilao
Ang Anilao ay isang munisipalidad sa Iloilo. Pinaniniwalaan na isang grupo ng mga mangingisda ang unang nakatuklas sa Anilao bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Dahil sa makapal na kagubatan nito sa gitna ng Ilog Anilao (kung saan ito ipinangalan), naging mainam ang lugar na ito para sa mga mangingisda tuwing panahon ng bagyo.
Sinakop ng mga Espanyol ang Anilao noong 1756 hanggang sa sumunod na 142 taon. Noong 1178, inatake ito ng ilang pangkat ng mga piratang Moro at ginawang bihag ang ilan sa mga residente. Dahil dito, nagpasya ang mga mamamayan na makipaglaban sa mga nais sumakop sa kanila at dito nagmula ang inspirasyon para sa ganapan ng Banaag Festival.
Sanggunian
- “Banaag Festival...” Sunstar.com.ph (Hinango 14 Setyembre 2009)
- “The Pride of Anilao, Iloilo” Senate.gov.ph (Hinango 14 Setyembre 2009)
- “Banaag Festival” Iloilo.gov.ph (Hinango 14 Setyembre 2009)
Pagkilala
| Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |







