Balita tungkol s mga pilipino s paua new guinea

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Dolyar.jpg

Ang kasalukuyang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya tulad ng recession sa Amerika at ang pagbaba ng bentahan ng langis sa Middle East ay maaring maka-apekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW). Malaki ang porsyento ng mga mangagawaang Pilipino ang nagtatrabaho sa naturang mga bansa at pinangangambahang magipit dahil sa krisis pang-ekonomiya.

Sa harap ng lumalalang krisis sa ekonomiya ng mundo maraming OFW ang pinangangambahang mawalan ng trabaho. Ang mga trabahador at mga overqualified workers ay nanganganib na unang maapektuhan at maaring mapilitang bumalik sa Pilipinas, kung saan ay hindi sila daglit na makakakuha ng trabaho. Ngunit ayon sa International Labor Organization (ILO), hindi lahat ay maapektuhan dahil may iba pang mga bansang patuloy na nangangailangan ng dayuhang manggagawa. Dagdag pa ng ILO, ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging ma-abilidad at pagkakaroon ng tibay ng loob sa harap ng kagipitan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kalagayan ng mga Domestic Helpers

Ayon sa United Filipinos sa Hong Kong (Unifil), ang mga Pinay domestic helpers naman ay nangangamba ding lumiit ang sahod o di kaya ay mapilitang bumalik sa Pilipinas dulot ng krisis. Ang mga OFW naman sa mga bansang Singapore, Malaysia, Taiwan at sa Gitnang Silangan, gayun din ang kanilang pamilya ay nababahala din sa posibildad na maapektuhan ng krisis, ayon sa Migrante International, isang organisasyon ng mga OFW.

May humigit-kumulang na 300,000 ang bilang ng mga Pilipinong domestic helpers na nagtatrabaho sa Asya. Ang ibang OFWs din sa Hong Kong ay nagaalala na maaring magsara ang mga insurance firms na pinaglagakan nila ng investments katulad ng mga pre-need plans.

[baguhin] Paghahanda ng Gobyerno para sa OFW

Isa sa mga paghahandang gingawa ng pamahalaan sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya ay ang pagpapatupad ng mga pagsasanay para sa mga OFWs partikular sa mga domestic helpers upang madagdagan ang kanilang abilidad kumpara sa mga kakumpetisyon mula Indonesia o India. Ang programang kilala dati bilang, "Supermaids" ay tinatawag na ngayong "Household Services Training"

May humigit-kumulang na 1.5 milyong aplikante ang sumasailalim sa pagsasanay bawat taon. Ang TESDA ay handang magkaloob ng mga pagsasanay para sa mga OFWs na uuwi para sa iba't-ibang trabaho kung sakaling mawalan sila ng trabaho dahil sa banta ng krisis pang-ekonomiya sa buong mundo.

Bagama't may mga umuuwing mga mga OFW dahil sa krisis, may mga Pilipino pa rin na patuloy na nangingibang bansa upang makipagsapalaran na maaring dahil sa kanilang positibong pananaw na mas giginhawa ang kanilang buhay pag sa ibang bansa sila nagtrabaho.

Ayon naman kay Marianito Roque, kalihim ng Department of Labor, hindi naman kinakailangang mabahala ang mga Pilipinog manggagawa sa abroad na mawalan ng trabaho o massive layoffs dahil sa kasalukuyang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Dagdag pa ni Roque, kung tutuusin ay dumadami ang mga OFWs na nakakakuha ng mataas na sahod at mas magandang trabaho gayun din ang katatagan ng mga inaasahang trabaho.

Ang pamahalaan ay pumirma ng kasunduan sa apat na kanlurang lalawigan ng Canada tulad ng Alberta, British Columbia, Manitoba, at Saskatchewan – para sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa. Ang mga sahod na ibinibigay sa nasabing mga lalawigan ay mas malaki kumpara sa natatanggap ng ibang OFWs sa ibang bansa.

Ayon naman sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang Australia, New Zealand, Norway, at France ay nangangailangan din ng mga nars, information technology workers, tsuper ng trak, manggagawa sa hotel, at mga tagapagpaandar ng heavy equipments.

[baguhin] Sanngunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.