Balita: Bagong Merkado para sa mga OFWs

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Merkado para sa ofw.jpg

Ayon sa Migrante-ME, isang alyansa ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Middle East, nais nilang magkaroon ng pagrerepaso sa polisiya sa ilalim ng administrasyong Arroyo dahil sa patuloy na paghahanap ng "bagong merkado" para sa mga OFWs.

Mga nilalaman

[baguhin] Negosasyon sa Ibang Bansa

Ayon kay John Leonard Monterona, direktor pang-rehiyon ng Migrante-ME, nararapat lamang na bigyan ng kaukulang pansin ang gobyerno ukol sa pagkakaroon ng human trafficking. Idiniin din niya ang pag-amin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang mungkahi para sa 2009 Badyet na kasalukuyang nilang pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang dayuhang tagapagpagganap at mga kagawaran ng paggawa ng ibang bansa upang makahanap ng "bagong merkado" para sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

Ang pakikipag-negosasyon ng DOLE sa mga non-traditional countries tulad ng Norway, Finland, at France ay makakadagdag ng ibang oportunidad para sa OFWs. Ayon kay Marianito Roque, ang kalihim ng paggaawa, ang bansang France ay kasalukuyang nangangailangan ng mga nars at inhinyero.

Ang Pilipinas din ay nakikipagnegosasyon sa mga opisyal ng Australya kung saan may posibilidad na makapagpadala ang bansa ng 30,000 Pilipinong minero, mga naglilingkod tungkol sa pangkalusugan, at mga propesyonal hinggil sa Information Technology sa sususnod na sampung taon.

Isinasaalang-alang din ng DOLE ang pagpapadala ng mga health care workers sa Norway at Finland at karagdagang tauhan sa bansang Canada.

Dagdag pa ni Roque, ang mga bansang ito nangangailanag ng karagdagang manggagawa at mas pinipili nila ang Pilipino dahil kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag, galing at abilidad sa pakikipag-usap.

Tiniyak ni Roque ang kaligtasan at proteksyon ng mga OFW sa mga bansang nabanggit. Humigit-kumulang 6.862 bilyong piso ang nakalaan para sa taong 2009 para sa Labor Department.

[baguhin] Republic Act 8042

Matatandaan na ipinahayag ng administrasyong Arroyo ang paglikha ng daan-daang trabaho para sa mga Pilipino upang hindi na sila mangibang-bansa. Ito ay ipinahayag sa probisyon sa Republic Act 8042, The Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995, Sec. 2, paragraph 3. Isinasaad dito na hindi isinusulong ng pamahalaan ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino at hindi rin ito paraan upang umunlad ang ekonomiya at umasenso ang bayan. Ang pagkakaroon ng programa ukol sa overseas employment ay nakasalalay lamang sa pananatili at hindi paglabag sa karapatang-pantao ng mga Pilipino. Dahil dito, ang lipunan ay magpapatuloy sa pagbibigay ng mga oportunidad sa mga mamamayan sa loob ng bansa at masagansang pagsusulong sa pantay na distribusyon ng kayamanan at benepisyo ng kaunlaran.

Dagdag pa ni Monterona, ang porsyento ng mga Pilipnong walang trabaho ay patuloy na tumataas bawat taon at sa kasalukuyan, halos 2.7 na milyon na ang walang trabaho. Ang pag-amin ng pamahalaan na sila ay naghahanap ng "bagong merkado" para sa mga OFW ay malinaw na indikasyon na hindi na kaya ng pamahalaan na makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan, na tunay na nakakabahala lalo na sa kasalukuyang administrasyon dahil sa kapansin-pansing kapabayaan sa pagkalinga at pagtulong sa mga karapatan ng OFW.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.