Balangay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Larawan ng paghuhukay ng balangay sa Lungsod Butuan

Ang Balangay ay ang pinakamatanda at pinakaunang sasakyang pandagat na nahukay sa buong Timog Silangang Asya. Kilala rin bilang “bangka ng Butuan”, ang sinaunang sining na ito ay isang matinding ebidensiya ng kahusayan ng sinaunang Pilipino, gayon din ng kanilang layong makapaglakbay sa ibayong dagat.

Mga nilalaman

Mga Bangka sa Butuan

Ang mga sinaunang bangka ng Butuan ay nahukay mula sa kalupaan ng Lungsod Butuan sa Agusan del Norte ng mga arkeolohiko mula sa Pambansang Museo noong 1970s. Sa kabuuan, may siyam na balangay ang natagpuan sa lalawigan, ngunit tatlo lamang sa mga ito ang matagumpay na nahango ng mga eksperto. Ang unang balangay ay dumaan sa pagsusuring radiocarbon at tinatayang binuo taong 320. Ito ay nakalagak ngayon sa museo ng Libertad, Lungsod Butuan. Ang pangalawang balangay naman, na ngayon ay nasa Pandagat na Bulwagan ng Pambansang Museo, ay sinasabing may 800 taon na mula nang gawin. Ang panghuling balangay, na ngayon ay nasa Museo ng Butuan, ay patuloy namang dumadaan sa prosesa ng preserbasyon. Ang anim na natitirang balangay ay nananatili sa kanilang likas na kondisyon na ayon sa mga siyentipiko ay ang siyang pinakamainam na paraan upang mapreserba ang mga ito.

Sanggunian

  • Casal, Gabriel S., et.al. "The Ingenious Filipino Boat." Kasaysayan Volume II: The Earliest Filipinos. Philippines: Asia Publishing Company Limited, 1998.
  • archaeology. (hinango noong 24 Marso 2008).

Panlabas na Kawing

  • Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Balangay.

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.