Bahay ni Padre Jose Burgos

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Bahay ni Padre Burgos, kilala ngayon bilang Burgos National Museum (Picture from ( [1]).

Ang tahanan ng isa sa Gomburza na si Padre Jose Burgos ay matatagpuan sa Vigan, Ilocos Sur. Ang bahay na ito ay isang typical na "bahay na bato". Sa tahanang ito ipinanganak si Padre Burgos noong Pebrero 9, 1837. Kasam siya sa tatlong paring martir na nakipaglaban sa mga mananakop noong panahon nila. Ang bahay na ito ay pinagawa ng mag-asawang Don Juan Gonzales at Doña Florantina Gascon noong 1788, sila ang lolo at lola sa tuhod ni Padre Burgos.

Mga nilalaman

Istruktura

Ang bahay ni Padre Burgos ay may dalawang palapag. Pantay ang bawat gilid nito, ngunit kumpara sa mga bahay noong panahon niya, ang bahay na ito ay maliit na uri ng bahay na bato. Ang ibabang bahagi ng bahay o ground floor ay gawa sa pulang simento at lime mortar, sa kabilang banda naman, ang itaas na bahagi ng bahay ay gawa sa mga kahoy na nagmula pa sa bulubundukin ng Abra. Ang harapan ng bahay ay nahahati ng limang pillaster.

Ang loob ng bahay ay nasa mabuti pa ring kondisyon magpasahanggang ngayon. Ang orihinal na materyales na ginamit ay luwad ngunit ngayon ito ay pinalitan na ng corrugated galvanized iron sheets, maliban sa bubong ng kusina na nananatili pa ring gawa sa luwad at nasa mabuting kondisyon. Ang mga bintana namana ay gawa sa capiz.

Sa Kasalukuyan

Ang bahay na itoay kinuha ng gobyerno ng Espanya noong naparusahan si Padre Burgos, kasama ang dalawa pang pari na sina, Mariano Gomez at Jacinto Zamora noong Pebrero ng taong 1872. Noong panahon naman ng Amerikano, ang ibabang bahagi ng bahay ay ginamit bilang Post Office ng Vigan, at noong taong 1946 hanggang 1965, ang bahay na ito ay ginamit bilang opisina ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang gusaling ito ay kilala bilang Burgos Museum kung saan makikita ang mga bagay na naging bahagi ng kasaysayan ng Ilocos at ang mga masining na kagamitan ng mga Tingguian.


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Sanggunian

  • Valera-Turalba, Maria Christina. Philippine Heritage Architecture: before 1521 to the 1970s.Philippines: Anvil Publishing Inc.,2005.