Bahay Kubo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Larawan ng Bahay Kubo sa baybayin ng Ilog Pasig

Ang Bahay Kubo ay isang katutubo at kinikilalang pambansang tahanan sa Pilipinas. Yari ito sa kawayan, nipa at iba pang halamang likas sa bansa. Hango sa salitang Espanyol na cubo ang pangalan ng tahanang ito dahil sa hugis parisukat o parihabang kabuuan nito. Naaayon ang bahay kubo sa tropikal na klima sa Pilipinas, gayun din sa pabugsu-bugsong pag-ulan. Sakaling mapinsala ito ng pag-ulan, madali naman itong palitan o itayong muli. Dahil pawang mula sa kalikasan ang mga materyales sa paggawa nito, may kagaangan ang bahay kubo kaya naman madali itong buhatin o ilikas sa tulong ng kaugaliang Filipino na bayanihan.

Kaayusan ng Bahay Kubo

Pangkaraniwan pa ring makikita ang bahay kubo sa mga lalawigan sa Pilipinas. Ito rin ay patuloy na itinatayo lalo na ng mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan at tabing-dagat. Marahil ay may kinalaman dito ang mga materyales na madaling makukuha sa kalikasan.

Kadalasang hugis kahon ang bahay kubo. Nakatayo ito sa apat na paa o poste na nakatusok tatlo o higit pang talampakan mula sa lupa. Sa ganitong paraan ay maiiwasang pasukan ng tubig ang bahay kapag bumabaha, gayun din ang pagpasok ng mga hayop gaya ng ahas sa loob ng silid. Kung minsan, ang ilalim na bahaging ito ay nagsisilbing imabakan ng mga pagkain, o tirahan ng mga alagang hayop.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.