Badjao

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Walang sapat na sanggunian ang akdang ito.
Tumulong na paunlarin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tumpak na pagsipi at sanggunian.
Maaaring subukin o tanggalin ang bagay na hindi matitiyak kung totoo.
Tinatakan ang akdang ito noong {{{petsa}}}.

Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.

Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.

Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.

Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. "Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"