Aurelio Tolentino

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

right|thumb|200px|Aurelio Tolentino Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915) ay mandudula, nobelista, at orador sa wikang Espanyol, Tagalog, at Pampango, bukod sa pagiging katipunero. Si Tolentino ang nagtatag ng Filipinas, at El Parnaso Filipino.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay

Kasamang ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan ng Montalban at San Mateo, Rizal. Napili nila ang Kuweba Pamitinan na maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mga Espanyol noong 12 Abril 1895.

Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula ang himagsikan sa Filipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ng samahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikin ang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de Amigos.

Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa pagsulat ng literatura, at lumikha ng mga dakilang akda, gaya ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1902); Bagong Cristo (1907); Maring (1908); Buhay (1909); Buhok ni Ester (1914).

[baguhin] Sanggunian

  • National Historical Institute. Historical Markers: Regions I-IV and CAR. Maynila: National Historical Institute, 1993.
  • "Central Luzon and NCR: Aurelio Tolentino." Unsung Heroes of the Philippines Revolution - MSC Communications Technologies, Inc. http://www.msc.edu.ph/centennial/hero/ncr/page13.html (hinango noong 11 Marso 2008).

[baguhin] Panlabas na kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.