Ariel Querubin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Ariel Oliva Querubin (ipinanganak noong 1957) ay dating koronel ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas. Isa siya sa mga nagprotesta ng pitong oras upang mapalaya ang kanyang nakatataas na opisyal na si Maj. Gen. Renato Miranda noong 2006. Si Querubin at ang iba pang mga opisyal ay nagprotesta din laban sa halalan na ayon sa kanila ay binalot sa panloloko.

Kasalukuyang nakakulong si Querubin sa Camp Aguinaldo dahil sa tangkang pagpaalis kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Mga nilalaman

[baguhin] Personal na Impormasyon

Ipinanganak si Querubin sa Pangasinan at lumaki sa La Union. Sa Maynila siya nag-aral at nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Natapos niya rin ang kursong command and staff sa Australian Defence College at ang Master in Defense Studies sa Unibersidad ng Canberra.

Kasal siya kay Maria Flor Palacio Azcarraga at mayroon silang pitong anak.

[baguhin] Karera

Si Querubin ay sinasabing isang opisyal na may pinakamaraming medalya sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga karangalang natanggap niya ay ang halos lahat ng medalya na binibigay ng Sandatahang Lakas maliban lamang sa Wounded Personnel Medal na matatanggap niya sana noong Disyembre 1989 kung nakisanib puwersa siya ng gobyerno noong magkaroon ng tangkang kudeta laban sa administrasyong Aquino. Isa si Querubin sa mga nagtatag ng Young Officers' Union, isang bahagi ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) na kasama sa 3,000 sundalo na sumapi sa kudeta.

Apat na taon pagkatapos ng kanyang pagtatapos ng pag-aaral sa PMA, agad siyang tumaas sa ranggong kapitan. Naging Major siya noong 1997.

Si Querubin ang naging instrumento sa pagpatupad ng mga sumusunod:

  • Ang pag-neutralize kay Jessie Rafael, dating pinunong panlalawigan ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA), sa Abucay, Bataan noong 1981; at sa apat na lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa timog na bahagi ng Palawan noong 1983.
  • Ang pagsagip sa Swiss national na si Hans Kunsli sa Luuk, Sulu noong 1986.
  • Ang pag-neutralize ng lider ng MNLF na si Racquel Carreon sa Brooke's Point, Palawan at ang kumander ng CPP-NPA na si Ka Ninong sa Aborlan, Palawan noong 1988; at kay Barahama Sali na siyang sanhi ng pagpapalaya kay Padre Cirilo Nacorda noong 1984.

Noong ika-18 ng Marso, 2000, pinamunuan ng dating Lt. Col. Querubin ang isang batalyon ng mga Mariness sa bente-kuwatro oras na sagupaan laban sa mahigit-kumulang 800 miyembro ng MILF (Moro Islamic Liberation Front) sa Kauswagan, Lanao del Norte. Ang kanyang grupo ang tumagos sa higit na malaking puwersa ng MILF na naging sanhi ng pag-aresto ng Camp John Mack, kung saan ginaganap ang kanilang mga istratehiyang pang-operasyon.

Noong 2002, si Querubin ang namuno sa pagpuksa sa tagapagsalita ng Abu Sayyaf na si Abu Sabaya.

Dahil sa magkaparehong isinusulong, naging miyembro si Querubin ng Magdalo na pinangunahan ni Senador Antonio Trillanes IV.

[baguhin] Mga Parangal

  • Medal of Valor – ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga sundalong tinuturing na bayani dahil sa kanilang galing sa pakikipaglaban at pagtitiis alang-alang sa bayan.
  • Isang bituin para sa kagandahang asal (Distinguished Conduct) – pangalawang pinakamataas ng parangal sa pakikipaglaban
  • Dalawang bituin para sa pagbibigay serbisyo (Distinguished Service)
  • Pitong gintong krus (Gold Cross) – pangatlo sa pinakamataas ng parangal sa pakikipaglaban
  • Dalawang Gawad sa Kaunlaran
  • Isang bronseng krus na medalya
  • Labindalawang Military Merit na medalya
  • AFP Parachutist Badge
  • Tawid Award
  • Cavalier Award – parangal na ibinibigay ng mga mistah (kaklase at kasamahan) sa PMA sa isang magaling na sundalong may napakaraming nagawa sa mga operasyong pandagat.
  • Saranay Award – pinakataas na parangal na ibinibigay ng lalawigan ng La Union sa magagaling na taga-roon
  • Medalyang Silver Wing
  • Military Commendation Medal
  • Parangal sa Kapanalig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
  • Military Civic Action Medal
  • Sagisag ng Ulirang Kawal
  • Long Service Medal
  • United Nations Service Medal and Ribbon
  • UN Transitional Administration in East Timor Medal
  • Anti-Dissidence Campaign Medal and Ribbon
  • Luzon Anti-Dissidence Campaign Medal and Ribbon
  • Mindanao Anti-Dissidence Campaign Medal and Ribbon
  • Disaster Relief and Rehabilitation Operation Ribbon
  • Combat Commander’s (KAGITINGAN) Badge
  • Marine Command Badge
  • Marine Silver Command Badge
  • Presidential Unit Citation Badge
  • People Power II Ribbon
  • Marine Combat Physical Fitness Badge (Gold)
  • Philippine Marine Corps Plaque

Isinumite ni Querubin ang kanyang kandidatura sa ilalim ng partido Nacionalista noong 30 Nobyembre 2009 (Araw ni Bonifacio) bilang pagpunyagi sa Ama ng Rebolusyong Pilipino na si Andres Bonifacio. Ang kanyang pagsumite ng kandidatura ay itinuring na pagretiro sa pagkasundalo.

[baguhin] Mga Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.