Araw ni Bonifacio

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rali ng mga estudyanto noong Araw ni Bonifacio, 30 Nobyembre 2009. (Letrato ni Kara Santos. Ginamit nang may pahintulot.)

Ang Araw ni Bonifacio (Bonifacio Day) ay ang taunang pagdiriwang ng kapanganakan ng rebolusyonaryong si Andres Bonifacio. Ito ay pumapatak tuwing Nobyembre 30.

Kalimitang ipinagdiriwang ng kilusang manggagawa ang Araw ni Bonifacio sa pamamagitan ng mga kilos protesta at rali, na kadalasa'y ginagawa sa Mendiola sa Lungsod Maynila. Itinuturing ng kilusang paggawa si Bonifacio bilang ang unang lider manggagawa sa Pilipinas dahil siya'y galing sa uring manggagawa at siya'y lumaban, hindi lamang para sa pambansang kasarinlan, kundi para sa ikalalaya ng mga mahihirap na Pilipino.

Samantala, ang pormal na komemorasyon na pinangungunahan ng gobyerno ng Pilipinas ay isinasagawa sa Monumento ni Bonifacio sa Lungsod Kalookan.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !" Padron:WikiFilipino nilalaman