Araw ng mga Puso

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Araw ng mga Puso, na kilala rin sa tawag na Valentine's Day ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing ika-14 ng Pebrero.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay ipinangalan sa martir na si Valentino. Iniuugnay ang araw na ito sa pag-ibig noong panahon ng high middle ages kung kailan naging popular ang pagpapalitan ng mga sulat sa nag-iibigan.



ANG UNANG ARAW NG PASUKAN AY BISING-BISI ANG MGA MAGULANG KO SA PAGHAHANDA NG SUSUUTIN KO AT BISI SA PAGHAHANDA NG GAMIT KO SA GAGAMITIN 

KO SA PASUKAN AT EXITED AKO NA MAKILALA KO ANG GURO AT MGA KAKLASE AT MASAYA AKO NA NAKILLALA KO NGA AKING MGA BAGONG KAIBAIGAN at masaya

kaming naglalaro sa parang ng masaya at isa-isa kaming nag pakilala dahildoon ay masnakilala ko pa ng iba kong kaklase at ibang guro sa mga

subjec ang unang araw ng pasukan dahil samanga kaibign ko ay masayang masya kaming mga magkakaibagan tulad nina joseph,racelis,abad,jelo,galleno

[baguhin] Lumang tradisyon

Noong unang panahon, naging tradisyon para sa mga taga-Britanya ang pagbibigay ng mga liham sa kanilang mga minamahal. Dahil na rin dito, naging popular ang industriya nang pagpapadala ng mga greeting cards.

[baguhin] Lupercalia

Sa paniniwala ng mga Romano, ang Lupercalia ang panahon ng pagpapakasal ng mga Diyos na sina Zeus at Hera. Ipinagdiwang ang Lupercalia noong ika-13 hanggang ika-15 ng Pebrero. Kilala rin ito bilang Pista ng Juno Februa.

[baguhin] Makabagong panahon

Noong 1797, inilabas ang akdang The Young Man's Valentine Writer na naglalaman ng ilang mga paraan kung paano maaaring masabi ng isang tao ang kanyang damdamin sa kanyang minamahal. Naging popular ang pagbibigay ng mga sulat at bulaklak tuwing Araw ng mga Puso. Dahil na rin sa patuloy na pagsulong ng teknolohiya, naging isang paraan na rin upang ipaalam ang nararamdaman o pagmamahal sa isang tao ang pagpapadala ng mga e-card sa internet o pagbibigay ng mga love coupons.

[baguhin] Araw ng mga Puso sa Pilipinas

Kilala ang mga Pilipino bilang mga sentimental. Madalas na ipinagdiriwang ng mga may minamahal ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo at mga sulat, gayon din ang pagkain sa labas at panunuod ng mga pelikulang may tema ng pagmamahal.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.