Araw ng Maynila

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rizal Monument, Manila

Ang Araw ng Maynila ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo upang gunitain ang proklamasyon sa siyudad noong 1571 bilang kabisera ng kolonya ng Espanya sa Pilipinas.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Ang proklamasyon ay naganap isang taon matapos matalo ng puwersang Kastila, sa pamumuno ni Martin de Goiti, ang pangkat ng pinuno ng Maynila na si Rajah Sulayman sa tinatawag na Unang Laban para sa Maynila ( Battle for Manila).

Noong Mayo 16, 1571, dumating si Miguel Lopez de Legazpi sa Maynila kasama ang daan-daang mandirigma mula sa Visayas. Sa panahong iyon, tumigil na sina Sulayman at kanyang mga tiyuhin sina Rajah Matanda at Rajah Lakandula sa pakikipaglaban sa mga Kastila.

Hunyo 24, 1571 nang idineklara ang Maynila na kabisera ng Espanya sa Pilipinas, at itinatag din ang gobyerno dito. Noong 1574, tinaguriang "Distinguished and Ever Loyal City" ang Maynila nang paatrasin nito ang puwersa ng isang pinunong militar ng Tsina na si Limahong.

Si Arsenio Lacson, alkalde ng Maynila, ang nagdeklara noong 1958 na sa ika-24 ng Hunyo ipagdiriwang ang foundation day ng lungsod. Marami ang pumuna sa desisyong ito ni Lacson dahil sa paniniwalang ang Maynila ay isa nang siyudad bago pa man dumating sina Legazpi. Kaya noong 1963, tinugunan ni Alkalde Antonio Villegas ang puna sa pamamagitan ng pagpapalit ng selebrasyon mula sa "Foundation Day" na naging "Araw ng Maynila".

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.