Araw ng Kagitingan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang tuwing 9 ng Abril, ay isang taunang pista opisyal sa Pilipinas na gumugunita sa katapangan at katatagang ipinakita ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa Imperyong Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ito din ay kilala bilang Araw ng Bataan at Corregidor.

Pinagmulan

Pagkatapos ng Pearl Harbor, sunod na sinalakay ng mga Hapon ang hukbong panghimpapawid at hukbong pandagat ng Estados Unidos. Noong Enero 1941, tuluyang napasok ng Imperyong Hapon ang Maynila at pagdating ng Marso, lumipad si Heneral Douglas MacArthur, ang pangkalahatang pinuno ng United States Armed Forces of the Far East o USAFFE, patungong Australia.

Salungat man sa kautusan nina Heneral MacArthur, Heneral Jonathan Wainwright, at Mayor Heneral Edward P. King, Jr., ang natirang hukbo na kinabibilangan ng mahigit sa 76,000 na sundalo sa Bataan ay sumuko noong 9 Abril 1942. Karamihan sa mga sundalo na naging bilanggo ng digmaan ay may sakit at kinailangang maglakad ng 90 milya o 140 na kilometro. Marami ang namatay mula sa pagkauhaw at mga sugatang hindi nagamot.

Ipinagdiwang ang Pagbagsak ng Bataan noong 9 Abril 1946 at sumunod dito ang paggunita sa Pagbagsak ng Corregidor noong 6 Mayo 1946. Ang Araw ng Bessang Pass ay ipinagdiwang naman noong 14 Hunyo 1946. Ngunit napagpasyahan, sa ilalim ng Executive Order No. 203, na ipagdiwang ito ng sabay-sabay bilang Araw ng Kagitingan.

Noong 1989, inilathala ni Presidente Corazon Aquino ang Proclamation No. 466 na nagdedeklara ng paggunita ng Philippine Veterans Week tuwing ika-5 hanggang ika-11 ng Abril.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.