Anita Magsaysay-Ho

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Anita Magsaysay-Ho (Picture from ([1]).

Si Anita Magsaysay-Ho (Manila, 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang-araw-araw na gawain at ng mga hubad na babae.

Mga nilalaman

Edukasyon

Nag-aral siya ng pagpipinta sa U.P. School of Fine Arts. Ilan sa mga kanyang guro ay mga kilalang pintor tulad ni Fabian dela Rosa, Fernando Amorsolo and Irineo Miranda. Sa pagtapos niya sa U.P. noong 1933, pumunta siya sa U.S. para mag-aral pa sa Art Students League sa New York at sa Cranbrook Academy of Arts sa Michigan.

Karera

Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala, Arturo Luz, Hernando R. Ocampo, Carlos "Botong" Francisco, at Fernando Zobel, na itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chronicle panlinggo na magasin This Week.

Ilang mga Gawa

  • Five Senses
  • Fish Vendors
  • The Cooks
  • Mending the Nets
  • Two Women

Mga Parangal

  • Unang gantimpala sa ika-5 at ika-13 na kompetisyon ng Art Association of the Philippines (AAP)
  • Ang isa sa sa kanyang mga dibuho ay nakakuha ng pinakamalaking presyo sa mga gawa ng mga pintor na taga-Asya sa Christie's auction sa Singapore

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IV. Philippine Visual Arts. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.