Ang Huling Timawa

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ang Hulig Timawa (pabalat ng aklat)

Nobela ni Servando de los Angeles, ang Ang Huling Timawa (1936) ay umiinog sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa di-makatarungang sistema ng kasike at bulok na pamamalakad sa pamahalaan. Inilahad sa nobela ang napipintong pag-aaklas ng pangkat ng Kolorum na nasa kabundukan ng Baritan. Si Mateo de la Cruz ang pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang pangkat ang kaguluhan, bagkus nagsisikap lamang na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Kalaban ng pangkat niya ang gaya nina Braulio de los Santos at Don Procopio, na pawang naghahasik ng lagim sa pamamagitan ng mga armadong bataan. Tinangkilik naman ng mga tao ang Kolorum, at kabilang dito si de la Cruz na mula sa angkan ng panginoong maylupa; si Ricardo Pilares na matapang na editor at mamamahayag; si Jose Romero na estudyante sa unibersidad; at si Tenyente Ventura na nagsikap na unawain ang kalagayan ng mga magsasaka at kasamá. Itatampok sa nobela ang pag-iibigan nina Jose Romero at Adela, na anak ni de los Santos. Magtatagumpay ang pangkat sa kanilang pakikibaka, at magwawakas ang nobela sa pagpapanibago ng kanilang pamayanan at pagbabagong-loob ng kasike.

Sanggunian

  • De los Angeles, Servando. Ang Huling Timawa na nalathala noong 1936, at muling inilimbag ng Ateneo de Manila University Press at may mapanuring introduksiyon ni Roberto T. Añonuevo.

Panlabas na kawing

Padron:WikiFilipino