Andres Malong

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Andres Malong ay isang maestro de campo ng Binalatongan (na ngayon ay kilala bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan), noong 1660. Siya ang tumulong sa mga Espanyol, nang ang mga dayuhan ay magtatag ng pamahalaan sa Pangasinan. Sa mga Espanyol niya natutuhang maging malupit at gumamit ng dahas.

Napagtanto ni Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga naging kaalaman sa mga gawain ng Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang mag-aklas si Francisco Maniago sa Pampanga. At nang nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong ang kaniyang planong mag-aklas laban sa mga dayuhan. Nagsimula siya sa barangay Malungeuy, at nabigo. Ang kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay niyang masakop ang buong Pangasinan. At idineklara ni malong, siya ang Hari ng Pangasinan.

Sanggunian

Panlabas na kawing

  • Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Andres Malong

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.