Ampalaya

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Ampalaya (Momordica Charantia)

Ang ampalaya ay may siyentipikong pangalan na Momordica Charantia at kilala din bilang bitter melon o bitter gourd sa wikang Ingles. Ito ay isang tropical at subtropical na halaman na kapamilya ng Cucurbitaceae. Ang bunga nito ay kilala sa pagkakaraoon ng mapait na lasa dahil nagtataglay ito ng momordicin.

Mga nilalaman

[baguhin] Bilang Halamang-Gamot

Ayon sa mga pananaliksik, ang ampalaya ay mabisang panglunas sa sakit na diyabetes. Sa wastong pagkain at dosi ng ampalaya, ito ay makatutulong sa pagtaaas ng produksyon ng beta cells ng lapay (pancreas). Bilang resulta, pinagbubuti ang abilidad ng ating katawan na gumawa ng insulin, ang pumipigil sa pagtaas ng blood sugar ng mga diyabetiko.

Ang ampalaya ay nairekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan bilang isa sa mga pinaka-epektibong halamang-gamot dahil sa kakayahan nitong makapagbigay-lunas sa sakit sa atay, diyabetes at HIV. Ito ay isa sa karaniwang halamang-gamot na ginagamit sa bansang Tsina. Sa Pilipinas, ang mga dahon nito ay kadalasang ginagamit na panglunas sa ubo, sakit sa balat, pagkabaog ng mga babae, pamurga, at pampababa ng lagnat.

Maliban sa pagkakaroon nito ng kakayahang makapagpagaling, ang ampalaya rin ay nagtataglay ng maraming bitamina at mineral, sa humigit-kumulang isang tasa (93 grams):

Vitamin A 9%
Thiamine 2%
Riboflavin 2%
Niacin 2%
Vitamin B5 2%
Vitamin B6 2%
Vitamin C 130%
Folate 17%
Calcium 2%
Iron 2%
Magnesium 4%
Phosphorus 3%
Copper 2%
Zinc 5%

[baguhin] Preparasyon

  • Uminom ng isang kutsara ng katas ng dahon ng ampalaya para sa mga may ubo, lagnat, nagpupurga, at nagtatae.
  • Itapal ang mainit-init na dahon ng ampalaya sa bahagi ng balat na may sugat, paso at iba pang sakit sa balat gayun din sa noo kapag masakit ang ulo.

[baguhin] Bilang Ulam

  • Ang ampalaya ay kadalasang isinasahog sa mga ulam tulad ng pinakbet, isang bantog na luto ng gulay sa Pilipinas na may kasamang ibat't-ibang gulay tulad ng okra, talong, sitaw, kamatis, kalabasa at bagoong.
  • Ginagamit din ang ampalaya bilang ensalada--ibinababad ang bunga sa suka at asin kasama ang sibuyas at kamatis.
  • Ang ginisang ampalaya na may itlog ay isa rin sa mga paboritong ulam ng mga Pilipino. Iginigisa ang maninipis na hiwa ng ampalaya sa bawang, sibuyas at kamatis at pagkatapos ay inihahalo ang binating itlog sa ginisang ampalaya.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.