Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling (pabalat ng aklat)

Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling sa patnugot ni Rosario Torres-Yu. Lahat ng maaaring matagpuang tulang isinulat ni Amado V. Hernandez mula 1921-1970 ay itinipon sa aklat na ito. Inilathala ito ng University of the Philippines Press noong 1986.

[baguhin] Tungkol sa aklat

Amado V. Hernandez (1903-1970), Tampok na Pilipinong makata, mandudula, kwentista at nobelista. Kinilala ang kanyang pagkamanunulat sa pamamagitan na National Artist Award(1973), ang gawad na Republic Cultural Heritage Award (1962), Balagtas Award (1969), apat na taong sunod na premyo sa dula (1958-1961) sa Palanca Memorial Award for Literature.

Patuloy na nagiging bahagi ang kanyang mga akda ng kasalukuyang pakikibakang pangkultura para sa lubos na paglaya sa mga lakas na pumipigil sa pagsulong ng lipunang Pilipino. Ang mga tula niyang “Kung Tuyo na ang mga Luha Mo Aking Bayan,” at “ Panata sa Kalayaan,” “Bayani,” at “Aklasan” ay patuloy na binibigkas at inaawit sa mga pangmasang pagkilos.

Ang paggalang at pagpapahalagang iniuukol kay Hernandez o Ka Amado sa kanyang mga kaibigan at kapanalig, ay buhat sa kanyang di-mapagaalinlanganang paninindigan bilang manunulat na humanay sa panig ng nasyunalismo, o demokrasya at panlipunang katarungan para sa higit na nakararaming inaapi. Ang paninindigang ito ay pinangatawanan niya sa panulat at sa tuwirang pakikilahok sa kilusang manggagawa. Katulad ng sinapit ng mga nagbubunsod na mabago ang umiiral na relasyon sa ari-arian, si Hernandez ay dumanas din ng dahas ng estado. Ibinilanggo siya ng pamahalaang Quirino noong 1951-1956. sa kanyang paglaya sa bilangguan ay muli niyang ipinagpatuloy ang pagtataguyod ng ipinaglabang mga simulain.

Sa ngayon, si Hernadez ay nakaukit na sa puso at diwa ng kilusang makabayan. Sa labas man ng Pilipinas siya'y iginagalang at ang kayang mga lalong kilalang akda tulad ng "Mga Ibong Mabdaragit", "Bayang Malaya", "Isang Dipang Langit" ay binabasa't isinasalin.

[baguhin] Sanggunian

  • Yu, Rosario Torres. "Amado V. Hernandez: Tudla at Tudling." Quezon City: University of the Philippines Press, 1986.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.