Ama (Nobela)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ama ang nobela ni Lazaro Francisco, na inilathala noong 1929 at muling inilimbag sa kasalukuyang panahon ng University of the Philippines Press (UP Press). Tampok sa nobela ang usapin hinggil sa repormang agraryo, ang kahayupan sa pagtrato sa mga dukha, ang sapilitang pagpapatrabaho sa kasamá, at ang paglulugar ng naturang mga pangyayari sa buhay ng magkakapatid na pawang maykaya sa buhay.

Umiinog ang nobela sa mag-amang sina Ingkong Tasyo at Delfin, na dumanas ng mga panlilibak at pagpapahirap sa kamay ni Don Pilo, ang panginoong maylupa. Nagsikap si Delfin na mag-aral ng abogasya, at dinalaw isang araw ang kaniyang ama. Pinagmalupitan ni Don Pilo ang mag-ama, at naging titis iyon upang magkimkim ng poot si Delfin. Lumapit naman kay Ingkong Tasyo ang mga kasapi ng Kapatiran na hangad pabagsakin si Don Pilo. Ngunit nagtimpi pa rin si Ingkong Tasyo, at hindi umayon sa madugong pag-aaklas. Susunugin ng mga bataan ni Don Pilo ang bahay ni Ingkong Tasyo. Sasaklolo naman si Leonor, ang anak ni Don Pilo, kay Ingkong Tasyo upang mailigtas ito sa kapahamakan. Magwawakas ang nobela sa pagbubunyag na magkakapatid pala sina Ingkong Tasyo, Don Pilo, at Don Elpidio na gobernador ng La Union. Magbabati ang magkakaaway. At nang manumbalik ang lakas ni Ingkong Tasyo, sinikap niyang ituwid ang kabulukan sa sistemang panakahan na nagsilang ng kasamaang nagpahirap sa taumbayan.

Sanggunian

  • Ama ni Lazaro Francisco na inilathala noong 1929.

Panlabas na Kawing

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.