Allergies

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang allergy ay iniuugnay sa iba't ibang reaksiyon ng mga sangkap, gaya ng semilyang pulbos sa bulaklak (pollen), balahibo ng pusa, o ng iba pang sangkap na ipinapalagay ng katawan na hindi nito kilala. Sinasabi rin na ang allergies ay ang bunga ng hypersensitive immune system. Ang mga taong may allergy ay hypersensitive sa ilan sa mga elemento na ang karamihan naman ay hindi apektado at ipinapalagay na ang mga ito ay hindi makasasama.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Karaniwang Allergy

Ang ilan sa mga karaniwang allergic reaction ay ang sumusunod:

  • Pana-panahong allergy sa sinus. Ang allergy na ito ay kilala sa katawagang “hay fever”, na siyang sinasabing pinakakaraniwan. Ang sintomas ay pagbabahing, runny nose, nasal congestion, makati, nagtutubig na mata, makating bibig, tainga, at lalamunan. Ang pagkakabilad sa pollen at maliliit na hayop, gaya ng tungaw, at hanip ay maaaring pagsimulan ng hay fever o seasonal allergies. Ang dust mites o hindi nakikitang maliliit na hayop ay microscopic organisms na naninirahan sa mga alikabok sa bahay. Ito ay pagha-halong allergenic materials, kabilang na ang telang yari sa bulak, balakubak mula sa hayop, baktirya, amag o fungus spores.
  • Hika (asthma). Sinasabing kahit na ang asthma ay hindi palaging pinagmumulan ng allergy, may relasyon pa rin ito sa pag-atake ng sakit. Karamihan sa mga taong may asthma ay may allergy-related condition. Kapag umatake ang asthma, ang lining ng airways ay namamaga at ang cells na nakalinya sa airways ay gumagawa ng mas maraming uhog na tinatayang mas makapal kaysa normal. Ang mga sintomas ay madalas na pag-ubo, kakapusan ng paghinga, humihinga ng pahingasing (wheezing), paninikip ng dibdib, at kirot.
  • Allergy sa pagkain. Ang katawan ay kalimitang nagre-react sa anumang kinakain,kahit pa maliit na bahagi lamang ng reactions na ito ay may kinalaman sa immune system. Ang pinaka-karaniwang allergies sa pagkain ay ang gatas, tsokolate, itlog, isda, shellfish, wheat, soy, peanuts, at iba pang uri ng nut.
  • Skin allergy. Ang atomic eczema at allergic contact dermatitis ay nakikita sa mga taong allergic sa specific ingredient o ingredients sa isang produkto. Ang mga sintomas ay pamamaga, pamumula, pagbukol o pag-alsa, at hive-like breakouts.
  • Allergic reaction sa kagat ng insekto. Ang bee, wasp, yellow jacket, hornet o fire ant stings ay kalimitang pinagmumulan ng allergic reactions. Ang mga sintomas ng isang malalang allergic reaction na may katawagang “anaphylactic reaction” ay may kasamang hirap sa paghinga, hives (bahay-pukyutan) na tila singaw sa balat na karaniwang mapula, at kumakalat nang lampas sa bahaging may kagat ng hayop, pamamaga o pag-alsa ng mukha, lalamunan at mouth tissue, pagbabahin o hirap sa paglunok, at sa pinakamalalang kundisyon ay iba pang mabigat na kadahilanan na maaaring pagmulan ng panganib na kamatayan.

[baguhin] Saan Nagsisimula ang mga allergy?

May iba't ibang bagay na nagiging sanhi ng allergy at may reaksiyon sa tao, depende sa kaniyang genetics. Narito ang ilan sa mga kalimitang allergens, pagsusuri sa sakit, at paggamot sa mga ito:

Dust mites. Ito ang mga microscopic organisms o napakaliit na mga hayop na gaya ng tungaw, at hanip na namumuhay sa mga alikabok sa bahay. Ang mga alikabok na ito ay tinatawag na mga “potentially allergenic materials”, kabilang na rito ang mga hibla sa ibat ibang tela, balakubak mula sa hayop, baktirya, mold o fungus spores, food particles, halaman, dead plants at iba pang bagay. Ang mga dust mites ay naiipon sa mga carpets, mattresses, at unan. Ito ang sanhi ng allergic reactions sa mga hypersensitive skin. Ang dust mites ay nakaaapekto ng nubenta porsiyentong (90%) mga tao na nagdurusa sa sakit na allergies.

Ang mga pollen (bulo ng bulaklak) at pamumulaklak sa puno. Nagtutulak ng reaksyon ng may pitumpung porsiyento (70%) sa mga allergic na tao.

Mga alagang hayop na pantahanan. Sinasabing ito ang ikatlo sa pinaka-karaniwang pinagmumulan o sanhi ng allergic reaction. Apatnapung porsiyento (40%) ng mga batang may asthma ay may allergic reactions sa sekresyon ng protinang mula sa oil glands sa balat ng hayop, na kagaya din ng protinang makikita sa laway o ihi ng hayop.

Amag. Ito ang mga microscopic fungi na may mga spores na lumulutang sa hangin na gaya ng pollen. Sa panahon ng taglagas, ang mga molds ay laganap. Maaari itong makapagdala ng malalang atake ng asthma.

Pagkain. Ang mga pinaka-karaniwang allergic foods ay ang gatas, tsokolate, itlog, isda at mani. Ang mga colorants at preservatives ay maaari ring maging sanhi ng allergic reactions.

Gamot. May mga taong nagsisimula ang allergies sa ilang uri ng gamot. Ang isa sa pinakamabisang paraan ng paggamot sa allergy sa mga gamot ay ang iwasan ang mga ito. Mayroon ding sangkap ang mga cosmetics at pabango na pinagsisimulan ng allergies sa iba.

Ang ibang sangkap na humihikayat sa allergy upang umatake ay usok mula sa sigarilyo, balakubak,, alikabok sa loob ng bahay, at sa ibang pgakakataon ay labis na lamig ng hangin, o tubig. Kabilang na rin ang mga kemikal sa halaman, cosmetics, pabango, detergents at sabon, at ang chronic sinus infections na maaaring maging dahilan ng pagbabara ng paghinga.

[baguhin] Pagsusuri at Paggamot

Ang pisikal na pag-eeksamen ay makatutulong upang makita ang iba pang kondisyon na may kapareho ng sintomas ng allergy. Isinasagawa ang allergy tests upang matukoy ang specific allergens (na sinasabing “harmless substance”). Karaniwan na ang pagbibigay ng skin tests , kung saan ang balat ay nakalantad sa maliit na dami ng pinaghihinalaang mga allergens at ito ay oobserbahan para sa kung anumang reaksyon. Maaari din ang pag-eeksamen sa dugo.

Isang malaking bahagi ng pagsusuri sa allergies ay ang maingat na pagbibigay-halaga sa mga palatandaan na nakikita sa pasyente. Ang doktor ay magtatanong ng maraming bagay upang malaman ang iba pang kundisyon na maaaring maging dahilan ng allergy- like symtoms. Dapat malaman ng doktor ang sitwasyon ng inyong kapaligiran, (sa tahanan, sa trabaho, o kung may kontak man sa hayop, mga “triggering factors” na nagtutulak upang lumabas ang mga sintomas, at kasaysayan tungkol sa pamilya tungkol sa allergies)

[baguhin] Pag-iwas sa Allergy

  • Umiwas sa anumang bagay na maaaring pagsimulan ng pagkakaroon ng hika at allergy;
  • Gumamit ng mga filter at airconditioner upang mapanatiling malinis at mas presko ang bahay;
  • Maglinis araw-araw ng bahay upang hindi pamahayan ng dust mites lalo na sa loob ng silid;
  • Umiwas sa paggamit ng fans at vacuum cleaners dahil pinagagalaw nito ang mga alikabok at ang allergens na nasa hangin;
  • Kung maaari, matulog nang nakasara ang mga bintana upang makaiwas sa pollen na maaaring pumasok sa silid-tulugan;
  • Gumamit ng sunglasses upang mahadlangan ang kontak sa pollen at mga mata;
  • Huwag maggupit ng damo, at iwasang manatili sa lugar na may bagong putol na damo;
  • Kung may planong magbakasyon, ipinapayo ang pagpunta sa beach dahil ang coastal areas ay hindi gaano ang mga pollen;

Upang makaiwas sa kagat ng insekto:

  1. Iwasang gumalaw kapag may bubuyog o putakti na nakapaligid;
  2. Gumamit ng guwantes kapag naghahalaman;
  3. Lumayo sa mga namumungang bungang-kahoy at nahuhulog na mga prutas
  4. Umiwas sa pagsusuot ng matitingkad na kulay ng damit—umaakit ito ng mga insekto;
  5. Umiwas sa paggamit ng pabango;
  6. Huwag ding kumain sa labas kung saan maraming insekto;
  7. Iwasan ang mawalan ng sapin sa paa.
  • Kapag ang bata ay may allergies, huwag siyang bigyan ng stuff toys. Ang mga ito ay may kapok at ibang hibla na mataas ang pagiging allergenic.
  • Panatilihing presko at palaging bagong palit ang mga kurtina dahil dito namamahay ang makapal na alikabok.
  • Kumain nang sapat at balanseng pagkain, kabilang na ang sumusunod na sangkap at prutas.
    • olive oil. Ito ay may poliunsaturated fats (oleic at linoleic acids) na nakakapagpasigla ng panlaban ng katawan at mahalaga sa puso at sa ugat na daluyan ng dugo.
    • bawang. Pinaghuhusay ang lakas ng T lymphocytes. Ang pagkain ng bawang ay tumutulong sa katawan upang mapadami ang bilang ng natural na protective cells.
    • sariwang prutas at gulay. Dahil sa ang mga ito ay masustansiya, at mataas ang nilalamang bitamina at mineral, ang mga ito ang nagsisilbing antioxidant at pang- revitalize.
    • yogurt. Ang mga bakterya na nakikita sa yogurt ay tumutulong sa immune system at

intestinal lining.

    • mga napapanahon na prutas, sibuyas, kalabasa, carrots, pollen, honey, parsley, avocado, kamatis, at isda. Ito ang mga tumutulong sa katawan laban sa mga allergy.

Ang pangangalaga sa atay ay napakahalaga sa mga taong may allergies. Isang mabisang paraan upang maprotektahan ito ay ang pag-iwas sa pagkain ng mga pinirito, at may saturated fats at rich foods. Mahalaga rin ang lemon na magagamit bilang sangkap o kaya ay sa lemonada.

Malawak ang ebidensiya na ang air pollutants ay pinalalala ang allergies at asthma. Ang mataas na concentrates ng Nitrogen at Nitrogen dioxide ( NO2) at ang mga particles sa hangin dahil sa mataas na emission ng diesel exhaust, ay sinasabing malaki ang kaugnayan sa air pollustion spurring allergies.

[baguhin] Sanggunian

Trudent Reference Publishing/ Grolier, Guide To Medical Cures and Treatments.

Paunawa sa Babasa
Bagaman malayang sundin ng mambabasa ang nilalaman nito alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon, ipinapayo ng WikiFilipino na kumonsulta pa rin sa doktor o espesyalista. Hindi mananagot ang WikiFilipino sa anumang mangyayari sa mambabasa kapag sinunod ang mga payong pangkalusugan ng akdang ito.


Walang sapat na sanggunian ang akdang ito.
Tumulong na paunlarin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tumpak na pagsipi at sanggunian.
Maaaring subukin o tanggalin ang bagay na hindi matitiyak kung totoo.
Tinatakan ang akdang ito noong Marso 3, 2008.

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.