Alfredo S. Lim

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
AlfredoLim.jpg

Si Alfredo "Fred" Siojo Lim ay isinilang noong Disyembre 21, 1929 sa Tondo, Maynila.Lumaki si Lim sa Hospicio de San Jose sa pangangalaga ng mga madre sa loob ng walong taon mula ng siya ay ipinanganak. Ang istorya ng kanyang buhay ay nailathala sa kanyang aklat na pinamagatang, "May Langit Din ang Mahirap." Mahigit sa 40 taon na ang karanasan ni Lim sa Sangay Ehekutibo ng bansa. Nagsimula si Lim sa pagiging isang pulis hanggang sa maging Cabinet Secretary, at umupo bilang meyor ng Maynila ng anim na taon. Siya ay nailuklok bilang senador sa ika-14 na Kongreso ng Senado ng Pilipinas noong taong 2004 at umupo na namang muli bilang meyor ng Maynila simula noong Hunyo 30, 2007. Kinilala si Lim bilang Ang Bulakeno, "Man of Action."

Si Lim ay nakilala rin bilang "Dirty Harry" ng Maynila dahil sa walang habas niyang pagtuligsa at pagtugis sa mga lumalabag sa batas. Naging popular siya sa kanyang istilo sa paggamit ng kamay na bakal laban sa mga kriminal at sa mga gumagamit at nagkakalat ng ipinagbabawal na gamot.Ang kanyang "spray campaign" kung saan minamarkahan ng mga katagang "Drug pusher ang nakatira dito. Alis diyan!" na patungkol sa bahay ng isang hinihinalang nagtutulak ng bawal na gamot ay minsan nang tumawag pansin sa mga tagapagtatanggol ng karapatang pantao.

Mga nilalaman

[baguhin] L.I.M.

Linisin, Ikarangal ang Maynila," ang mababasa sa mga pader sa Lungsod ng Maynila, ito ang kahulugan ng mga titik na bumubuo ng kanyang apelyidong LIM. Bukod pa rito ay kumakatawan ito sa kanyang plataporma na may tatlong pilosopiya.

Ang L ay kumakatawan sa pagiging isang halimbawang pinuno (Leadership by Example). Isinasaad nito na ang respeto at pagsunod na nararapat sa isang lider ay sang-ayon sa kaniyang ginagawa. Ang isang mambabatas ay kailangang matino, mahusay, at produktibo. Pangalawa, ang I ay Intellectual Honesty. Ito ay ang pagiging totoo sa mga balakin sa isip, salita, at gawa. Nais nitong ipahiwatig na walang katuturan ang mga pangakong napapako. At ang huli, ang M ay bilang kahusayan sa pamumuno o Masterful Governance. Ang batas ay nakalaan upang sundin at upang mangyari ito ay kailangang maipatupad kung ano ang isinasaad dito at kung maaaring baguhin ay kailangang gawin ito upang mapag-ibayo ang kabutihan ng nakararami.

Bilang karagdagan, nakapaloob naman sa kanyang palayaw na FRED ang apat pang adhikain: Food for the Hungry, Reforms, Education to Deserving Students, at Drug-free and Crime-free Society.

[baguhin] Edukasyon

  • Elementarya, P.Gomez Elementary School (1943)
  • Sekondarya, Far Eastern University (FEU, 1948)
  • Kolehiyo, Business Administration, University of the East(1951)
  • Kolehiyo, Law, University of the East (1963)
  • Masteral, National Security Administration, National Defense College of the Philippines (1981)
  • Doctorate on Public Administration, Honoris Causa FEU, (1995)
  • Doctorate on Public Administration, Honoris Causa, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM, 1996)
  • Doctorate on Criminology, Philippine College of Criminology (1996)

[baguhin] Karera

  • Superintendent,Philippine National Academy; Director, Western Police District (1984-1985)
  • Director,National Bureau of Investigation (NBI) (1992)
  • Mayor,City of Manila (1992; reelected 1995)
  • Secretary,Interior and Local Government (2000-2001)
  • Senator,14th Congress of the Philippines (2004)
  • Host,"Katapat" (ABS-CBN)
  • Anchor,"Pasada" (dzMM)

[baguhin] Karangalan at Pagkilala

  • Outstanding Achievement Medal (1985)
  • Archdiocesan Plaque of Recognition for Leadership (1988)
  • First Outstanding Police of the Philippines (TOPP) Hall of Fame, (1990)
  • President Osmenia Most Outstanding Public Servant Award (1992)
  • Dr. Jose P. Rizal Immortal Award (1994)
  • Gintong Ama Award (1994)
  • Medal Merit from the International Association of Lion's Club (1996)
  • Chino Roces Award (1997)
  • The Outstanding Filipino (1997)

[baguhin] Kinabibilangan

  • Philippine Bar (1963)
  • Metro Manila Law Enforcers' Assistance Inc. (co-founder)

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.