Alejandro G. Abadilla

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: Makata, mangangatha, kritiko | }} {{#if: 10 Marso 1906
Rosario, Cavite | }} {{#if: 29 Agosto 1969
Maynila | }} {{#if: Cristina Zingalava | }} {{#if: | }} {{#if: AGA | }}
Alejandro G. Abadilla
Estado Makata, mangangatha, kritiko
Kapanganakan 10 Marso 1906
Rosario, Cavite
Kamatayan 29 Agosto 1969
Maynila
Asawa Cristina Zingalava
Mga Magulang
Palayaw AGA


Si Alejandro G. Abadilla ay makata, sanaysayista, at kuwentista. Nag-aral siya sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa, at pagkaraan sa Mataas na Paaralan ng Cavite, bago tumulak pa-Seattle upang magtrabaho sa isang maliit na palimbagan. Inedit niya roon ang seksiyong Filipino ng Philippine Digest, naging tagapangasiwang editor ng Philippine American Review, at itinatag ang Kapisanang Balagtas na “naglalayong paunlarin ang wikang Tagalog.” Pagbalik sa Filipinas, nakamit niya ang titulong Batsiler sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931. Nagsilbi siyang konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, pagkaraan ay naglako ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance.

Mga nilalaman

[baguhin] Halaga

Si Abadilla, na tinawag ni Pedro Ricarte na “ama ng makabagong tulang Tagalog,” ay sinalungat ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog at de-kahong paggamit ng tugma at sukat sa tula. Tumulong siya sa pagpupundar ng Kapisanang Panitikan, upang isulong ang simulaing labanan ang di-lumalagong panitikang Tagalog.

[baguhin] Mga aklat

Kabilang sa mga aklat ni Abadilla ang sumusunod:

  • Piniling mga Tula ni AGA (tula, 1965);
  • Tanagabadilla (tula, 1964; 1965);
  • Sing-ganda ng Buhay (nobela,1947);
  • Pagkamulat ni Magdalena (nobela, 1958)
  • Parnasong Tagalog (antolohiya, 1954)
  • Mga Kuwentong Ginto (antolohiya na kasamang editor si Clodualdo del Mundo Sr., 1936);
  • Ang Maikling Kathang Tagalog (antolohiya, 1954);
  • Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (antolohiya na kasamang editor si Ponciana B.P. Pineda,1957).

[baguhin] Sanggunian

Filipino authors (Hinalaw noong 23 Nobyembre 2007)


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.