Abaniko

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Abaniko

Ang Abaniko ay tumutukoy sa tradisyunal na pamaypay sa Pilipinas na yari sa pinagdugtong at pinaghabing dahon at tangkay ng halamang abaniko (Belamcanda chinensis). Ito ay nakahulmang hugis sagwan o hugis puso at madalas na kinukulayan upang higit na maging kaakit-akit. Kadalasan, ang katawagang “abaniko” ay ginagamit rin upang itukoy sa tinitiklop na uri ng pamaypay na pinasikat ng mga Espanyol. Ang abaniko ay kalimitang isinasama sa kabuuan ng pambansang kasuotang pambabae sa Pilipinas, and baro't saya. Makikita sa mga larawan ang mga “Maria Clara” na may tangan na abaniko at tila nakatakip sa kanilang dibdib – ito ay sumisimbulo sa kadalisayan ng loob at pagkamahinhin. Sa ilang eksena naman sa mga pagtatanghal at pelikula, ang mabilis na pagpaypay ng abaniko ay nangangahulugang pagkayamot o pagkainip.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"