10 Pinakasikat na Prutas sa Pilpinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga tropikal na prutas dito sa Pilipinas ay hinahanap-hanap ng mga taga-ibang bansa dahil sa napakatamis nitong lasa. Ang mga ito ay pwedeng pitasin halos sa buong taon.

  • Mangga

Ang mangga ay tinuturingn na pambansang prutas ng Pilipinas at tinatawag rin itong "apple of the tropics". Ito ay kilala sa buong mundo at ito ang madalas inaangkat ng ibang bansa sa mga bansang tropikal. Malalaman mo kung ang mangga ay hinog na kung ito ay may dilaw na balat at malalasahan ang pinakamatamis nitong lasa. Merong dalawang klase ng mangga ang matamis na manggang piko at ang malaman na manggang kalabaw. Ang Zambales, Davao, At Cebu ang mga nangunguna sa pinagkukunan ng mga mangga na inaangkat sa ibang bansa. Ang Isla ng Guimaras ang sinasabing may pinakamatamis na mangga sa buong bansa.


  • Rambutan

Ang rambutan ay karaniwan na sa timog-silangang Asya at sa Arkipelago ng Malay. Ito ay pinapatubo sa Laguna, ibang parte ng Mindanao, Isla ng Panay, Mindoro at sa Batangas. Ang salitang "rambut" na isang Malay na salita ay nangangahulugang buhok. Ang korteng itlog na prutas na ito ay merong mamulamulang balat na may malambot na mga patusok na kulay pula na may halong berde.


  • Abocado

Ang abocado ay korteng peras na may matingkad na berdeng balat. Ang malambot na laman nito ay binabalutan ang isang korteng bilog na buto. Ang parang leche-plan nitong laman ay ginagamit sa pagluluto, sa mga salad, sa ice cream, at sa iba pang panghimagas at sinasabi ring nagpapababa ng lebel ng kolesterol.


  • Lansones

Ang lansones ay nagbubunga ng maramihan at maputlang kulay tsokolateng ubas na may mapapait na mga buto. Ito ay madalas matatagpuan sa Kanlurang Malay. Ang maasim-asim na prutas na ito ay mayroong limang parte binalutan ng maputing balat na may puting dagta. Ang sinasabing may pinakamatamis na lansones ay ang Camiguin sa Mindanao. Ito ay tumutubo rin sa Laguna, ibang parte ng Quezon, Batangas, Cagayan de Oro at Butuan.


  • Durian

Ang Durian ay tinaguriang "king of all tropical fruits" at tumutubo sa Brunei, Indonesia, Malay at sa iba pang parte ng Mindanao. Ito ay may kulay kaki at berdeng na may maiiksing matulis na patusok sa balat. Ito at naging kakaiba dahil sa di kaayaayang amoy. Ginagawa din itong kendi, ice cream at mga keyk. Tinatanggal nila ang kakaiba nitong lasa sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig sa talop nito at tsaka iinumin.


  • Langka

Ang langka o jackfruit ay nagmumula sa timog-kanlurang India, Sri Lanka, Bangladesh, Pilipinas, at sa Australia. Ito ang pinakamalaking punong namumunga sa buong mundo, lumalaki ng 20 pulgada palapad at may bigat ng 40 kilos. Pwede na itong kainin ng hindi luto at pwede ring ihalo sa turon, ginataan, at pwede ring gawing palaman at ilagay sa halo-halo.


  • Atis

Ipinakilala ng mga Español ang atis o sugar apple o tinatawag ring custard apple noong 1590. Ang atis ay may matamis at makremang laman na may di mabilang na itim na buto sa loob. Mabilis itong mabulok kaya kailangang kainin kaagad kapag nahinog.


  • Chico

Ang chico ay talagang nagmula sa Mehiko. Ang maliit na kulay tsokolateng prutas na ito ay mayroong manipis at maitim na buto. Ang kauri nito ngunit walang buto ay tinatawag na pineras na mas malaki at mas matigas kaysa sa karaniwang chico.


  • Pakwan

Ang pakwan ay malinamnam at matamis, mayroong rin itong napakaraming buto. Ito ay tumutubo sa mga halamang baging, pwedeng bilog o oblong ang bunga nito, pwede rin itong may matingkad na berdeng stripe. Pwede mo itong makain ng sariwa pa o pwede ring iskoop ng pabilog at ihalo sa iba't ibang prutas.


  • Santol

Ang santol ay isa sa mga pinakasikat na prutas kapag taginit sa Pilipinas pero nagmula ito sa Malaysia. Ang madilaw na bilog na prutas na ito ay mayroong mga sapal na binabalutan ang mga malalaking mga buto. Pwedeng kainin ito ng hindi luto o minatamis.


Sanggunian:

  • 10 More Must Try Exotic Fruits. Quazen.com (Accessed 23 December 2009)
  • Mango. CRFG.org (Accessed 23 December 2009)
  • 12 Vitamin-rich Exotic Fruits From the Philippines (and Other Tropical Areas). Trifter.com (Accessed 23 December 2009)
  • Fruit. Philippines.hvu.nl (Accessed 23 December 2009)
  • Tropical Fruits that Grow in the Philippines. Healthmad.com (Accessed 23 December 2009)
  • Summer Fruit Compote. Deliaonline.com (Accessed 23 December 2009)
  • Pineras. Region10.dost.gov.ph (Accessed 23 December 2009)


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.