10 Pinakapaboritong Pagkaing Pinoy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Nagmula sa mga Malay ang unang pagkaing Pinoy dalawampung libong taon na ang nakakaraan. Sa kanila nagmula ang pagkahilig ng mga pinoy sa pagkaing maanghang at may gata. Sa mga Tsino naman nagmula ang pagkain ng mga Pinoy ng pansit at ang pagkahilig sa pagkaing may sawsawan at sarsa. Ang mga Espanyol naman ang nagturo ng mga pagkaing ginigisa na ginagamitan ng iba't ibang pampalasa. At dahil dito, ito ay nagbunga ng tinatawag sa ngayong kinaugaliang pagkaing Pilipino.

Si Gaita Fores ay isa sa pinakasikat na chef sa Pilipinas. Ang kare-kare ay isa sa pinakasikat na pagkaing pinoy na nagmula sa Pampanga na kilala bilang “Culinary Center of the Philippines.” Malimit itong inihahanda tuwing pista, kaarawan, pagtitipon ng pamilya, o kaya sa isang simpleng tanghalian o hapunan ng isang pamilya.


Ang adobo ay itinuturing na pambansang ulam sa Pilipinas. Ito ay pinakuluang karne ng baboy o manok na niluto sa toyo, bawang, suka, buong paminta at dahon ng laurel. Pinakukuluan ang karne ng mahinang apoy hangga't mabawasan ang tubig at lumambot ang karne. Ang iba’t ibang gulay at shellfish ay pwede ring lutuin sa ganitong paraan.


Ang Sinigang ay isang lokal na lutuin na may sangkap na karne, isda at shellfish na niluluto sa maasim na sabaw na may kasamang dahon ng kamote, kangkong, sitaw, okra, sigarilyas, puso ng saging, ugat ng gabi, hiniwang talong at labanos. Maaaring gamitin ang sampalok, hilaw na mangga, bayabas, santol at kamias bilang pampaasim. Kung isda ang nais isigang, miso at dahon ng mustasa ang ginagamit sa pagluluto.


Ang lechon o litson ay madalas na nakahain sa mesa kapag mayroong kakaibang handaan. Ang baboy ay itinutuhog sa isang kawayan at iniihaw sa uling hanggang ang balat ay maging mapula at malutong at ang karne ay lumambot. Inihahain itong may kasamang sawsawan na gawa sa atay ng manok at baboy, suka, asukal at pampalasa. Ang La Loma sa Lungsod Quezon ay kilala bilang kapital ng lechon ng Pilipinas.


Ang kare-kare ay isang lutuing paborito ng mga Pilipino. Gawa ito sa karne, bituka o buntot ng baka at samu’t saring gulay. Pinakukuluan ang karne hanggang lumambot at saka hinahaluan ng dinurog na mani at malagkit na kanin na pinong pino. Ito ang nagpapalapot sa sarsa at nagbibigay ng kakaibang lasa sa ulam. Sa mga panahong ito, peanut butter na ang ginagamit sa halip na dinurog na mani at kanin. Ang kaalatan ng ulam ay nanggagaling sa bagoong alamang na kasama nito.


  • Menudo

Palagi nang kasama ang menudo tuwing may handaan sa pamilya. Kakaiba ang paraan sa pagluto nito dahil may kasama itong hiniwang atay ng baboy, baboy, sibuyas, kamatis, patatas, karots, pula at berdeng sili at pasas. Ang sawsawan ay pinapalapot ng tomato sauce. Ang hiniwang chorizo de bilbao at garbanzo ay pwedeng ihalo upang maging mas malasa ang menudo.


Ang Ginataan o guinatan ay isang uri ng pagluluto na mayroong gata. Ihalo ang ikalawa at kakang gata sa baboy, manok, isda, lamang dagat at mga gulay para sa iba’t ibang ulam. Ang kasarapan ng gata ay kaakibat ng pagdagdag ng mga sili. May mga panghimagas ding tinatawag na ginataan: Halo-halo na gawa sa ugat ng gabi, kamoteng-kahoy, kamote, ube, saging na saba, langka at sago; Bilo-bilo gawa sa kaning malagkit na hinaluan ng tubig at kinorteng bola; Totong (ginataang monggo) gawa sa tutong na monggo babalatan at saka hahatiin.


Ang kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne ng kambing. Sa mga panahong ito, pwede nang gamitin ang kahit anong karne. Pinakukuluan ang karne hanggang ito'y lumambot at dahan-dahang lulutuin na may malapot na sarsa na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang, kamatis at durog na paminta. Maaaring ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin. Maaari ring magdagdag ng hiniwang patatas at karots.


Ang tunay na ibig sabihin ng nilaga ay pinakuluan. Pinakukuluan ang karne ng baboy, manok o baka hanggang sa ito'y lumambot. Idinadagdag ang repolyo, patatas, kamote, karots, dahon ng sibuyas, saging na saba, petchay, buong paminta at garbanzo para sa mas malinamnam na sabaw. Kinakain ang nilaga na may kasamang patis o kaya ensaladang talong at kalabasa na may suka, paminta, bawang, asin at asukal.


Hinahati sa gitna ang isang buong bangus at itinatanggal ang mga kaliskis at ang mga lamang loob nito. Ang ibang gumagawa ay tinatanggal ang mga tinik. Ibinababad muna ang isda sa asin at tubig, at patutuluin at lulutuin sa pressure cooker, ibibilad sa araw at pauusukan para makumpleto ang proseso ng pagluluto. Ginagamit ang mantika sa balat para ito'y maging makintab. Ang bago at sariwang tinapang bangus ay pwede nang iprito hanggang sa maging malutong na ang balat nito.


  • Pancit

Ang pancit o pansit ay pagkaing Tsino na inihahain bilang meryenda o pangunahing putahe. Pansit sotanghon, canton noodles at iba pang noodles ay inihahalo sa maninipis na hiwa ng baboy, atay ng baboy o manok at repolyo, bitswelas at karots. Ang kalamansi at ibang maaasim ay inihahanda sa pansit para mabuo ang lasa.


[baguhin] Sanggunian

  • Filipino Cuisine. Wikipedia.org. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Adobo. Carinderia.net. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Tastes of the Philippines. Suite101.com (Hinango noong 22 December 2009).
  • Adobo, The National Meal of the Philippines – Culinary Essay. Freeonlineresearchpapers.com. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Kare-kare Philippines Food. Style.com. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Kare-Kare. Pinoycook.net. (Hinango noong 22 December 2009).
  • The Best Lechon in the Philippines. Marketmanila.com. (Hinango noong 22 December 2009)
  • Lechon – Philippines’ Favorite Delicacy. Philippinesinsider.com. (Hinango noong 22 December 2009)
  • Recipe for Filipino Menudo. Tagaloglang.com. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Spicy Beef Kaldereta. Pinoycook.net. (Hinango noong 22 December 2009).
  • Tinapang Bangus. Alaminoscity.gov.ph. (Hinango noong 22 December 2009)


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.