10 Pinakamaunlad na Negosyante

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Narito ang kwento kung papaano nagsimula ang magagaling at tanyag na negosyante. Sila ay nagsimula sa pamamagitan ng maliit na bagay hanggang sa kanilang tagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Makikita din ang kanilang pagiging malikhain dahilan upang sila sy makilala sa ganitong larangan. Ang kanilang buhay ay isang patotoo at paghamon sa bawat Pilipino na sipag at tiyaga lamang ang kelangan upang maabot at makamit ng mga mamayan ang tagumpay. Ating tignan kung paanong ang kanilang mapagkumbabang pagsisimula ay naging haligi ng ating industriya.

  • Ang Pampanga’s Best ni Lolita Hizon

Sa nakaraang 39 na taon, ang Pampanga’s Best ang nangunguna sa pagbebenta ng tocino at iba pang produktong gawa sa karne. Nagsimula sa maliit na bahay ang pagawaan ng tocino ni Lolita hanggang sa nagkaroon sila ng 9.5 ektaryang lupa na ginagamit para lalo pang lumago ang kanilang negosyo.


  • Ang Hapee Toothpaste ni Cecilio Pedro

Bilang ang mga Pilipinong nakagawa ng panlinis ng ngipin na kilala sa buong mundo, Si Cecilio Pedro ang sinasabing isa sa mga matagumpay na negosyante sa Pilipinas. Ang kanyang pagiging malikhain sa paggawa ng panlinis ng ngipin ang naging susi sa kanyang pagiging maunlad.


  • Ang Zest-O ni Alfredo Yao

Sinong batang Pilipino ang hindi nagustuhan ang juice na nasa pakete? Ang paglalagay ng juice sa pakete ay naisip ni Alfredo Yao noong 1980. Nagsimula siya sa interes niya sa negosyo ng pagpapakete hanggang naisip niya ang pagpapakete ng juice na hindi naisip ng kaniyang mga kalabang kompanya kaya siya ay umunlad.


  • Ang National Bookstore ni Socorro Ramos

Nagsimula ang National Bookstore sa isang barong-barong ng pamilyang Ramos pagkatapos ng pananakop ng mga Hapon sa Maynila. Pagkatapos noon nagsimula nang magtayo ng mga gusaling tindahan ng mga libro hanggang sila ay maging kilala. Sa ganitong paraan nagsimula ang National Bookstore.


  • Ang DMCI Construction Firm ni David Consuji

Si David Consuji ay ang namamahala sa pinakamalaking kumpanya sa pagkokonstruksyon sa bansa na gumagawa ng mga poduktong konkreto at mga gawaing elektrikal. Ang DCMCI Holdings Inc. ay abala rin sa paggawa ng mga konstruksyon, pangangasiwa at pamumuhunan ng mga power plant.


  • Ang JG Summit Holdings ni John Gokongwei Jr.

Dahil sa kita niyang 680 milyong dolyar noong 2008, masasabi mo kung gaano kadisiplina at nakatutok si Gokongwei sa kanyang layunin. Ang kanyang mga ari-arian ay umaabot mula sa serbisyo sa pananalapi, kemikal na galing sa petrolyo, pagpapalipad ng eroplano tulad ng Cebu Pacific Air, telekomunikasyon tulad ng Digital Communications Philippines, pagpapalaki ng mga baboy, tulad ng Universal Robina Corporation, at ang kanyang pagnenegosyo sa lupa ito katulad ng Robinson’s Land.


  • Ang Jollibee ni Tony Tan Cakitong

Noong 1975, napagpasyahan ni Tony at ng kanyang mga kapatid na lalaki na magtayo ng isang ice cream parlor hanggang ito’y lumago at nabuo ang pinakamalaking kainan sa bansa ito ang Jollibee.


  • Ang C&P Homes ni Manny Villar

Ito’y isang istorya ng isang batang mahirap na taga-Tondo na yumaman dahil sa matiyagang pagtratrabaho. Siya’y nagsimula sa capital na 10,00 pesos na gagamitin sa pagpapatayo ng isang maliit na negosyong pangtransaksyon na kinalaunan ay lumaki at naging isang malawakang proyektong pabahay.


  • Ang Megaworld Corp. ni Andrew Tan

Ang Finance Asia o kilala bilang Megaworld Corp. ay nakilala na pinakamaayos na kumpanya sa bansa noong 2006 at dahil iyon sa mahusay na pamamahala ni Andrew Tan. Siya rin ang may-ari ng Emperador Distillers Incorporation at ng Golden Arches Development Corp.


  • Ang SM Prime Holdings ni Henry Sy

Ang pinakamayamang tao sa bansa na may kitang humigit kumulang 1.4 na bilyong dolyar noong 2008 ay ang may-ari ng pang-anim sa pinakamalaking pampublikong pasyalan sa mundo, ito ang SM Mall Of Asia. Hawak niya rin ang pinakanangungunang banko sa bansa ang Banco de Oro at China Banking Corporation. Siya rin ang kinikilalang pinaka maunlad na negosyante sa taong 2008 dahil sa paglaki ng kita ng mga bangko at SM Malls na kanyang pagmamay-ari.


[baguhin] Sanggunian:


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.