10 Pinakamalungkot na Pagpapakamatay na Naibalita sa Telebisyon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga balita sa telebisyon ay puno ng mga ulat tungkol sa pagsilang, pagkamatay, at mga pangyayaring nasa gitna nito. Ngunit may mga namamatay rin nang dahil sa matinding trahedya. Ang mga trahedyang ito ay hindi naging lingid sa kaalaman ng publiko. Ilan sa kanila ay sikat sa kanilang propesyon kung kaya nagulat ang publiko sa kanilang pagpapakamatay. Ang mga sumusunod ang sampung pinakamalungkot na pagkamatay na naibalita sa telebisyon:


  • Alexander Robert Santiago

Ang pagpapakamatay ni Alexander Robert Santiago ay naging malaking impluwensya sa mga pangunahing balita nang ito ang ginawang batayan sa petisyon ni Nombraan Pangcoga. Si Pangcoga ang nag-apilang alisan ng karapatang tumakbo si senador Miriam Defensor-Santiago sa kanyang pagtakbo sa halalan 2010 dahil umano sa pagpapakita nito ng mga pahiwatig ng pagkakabaliw. Ang biglaang pagpapakamatay ng anak ng senadora at ang pagbabawal nito na ipa-otopsiya ang bangkay ay sintomas ng matagal nang pagkakasira niya sa isip ayon kay Pangcoga. 20 Nobyembre 2003 nakitang patay si Alex Robert Santiago sa kanyang sa silid sa bahay ng kanyang pamilya sa La Vista, Lungsod Quezon. Ayon sa kanyang ina, posibleng hindi na nakayanan ng anak ang problemang binibigay ng kanyang mga instruktor sa Ateneo kung saan siya nag-aaral ng abogasya.


  • Maria Theresa Carlson

Si Maria Theresa Carlson ay nagpakamatay matapos nangyari ang pagpaslang kay Nida Blanca. Si Carlson ay isang dating reyna ng kagandahan. Nakuha ni Carlson ang atensyon ng showbiz nang siya ay nanalo sa Miss Young Philippines noong 1979. Siya ay naging bahagi ng sikat na sitcom noong dekada ’80, ang Chicks-to-Chicks. Taong 1982 nang nagkatagpo sila ni Rudy Farinas. 19 taong gulang si Carlson at 32 taong gulang naman si Farinas. Nagpakasal sila. Naging biktima ng karahasan si Carlson sa kamay ng kanyang asawa. Ang pagtalon niya mula sa ika-23 palapag ng kanilang kondominyum ang naging paraan niya upang tapusin ang malupit na karanasan.


Isa sa mga sikat na alaga ni Lily Monteverde ng Regal Films. Kasama niya sila Gabby Concepcion, Albert Martinez, at iba pang batang artista sa tinatawag na Regal Babies. Sa mga pelikula, palagi siyang itinambal kay Dina Bonnevie. Sa napakamurang edad na 22, natapos ang karera sa pag-aartista ni Alfie Anido nang siya'y nagpakamatay. Hanggang sa kasalukuyan nababalot pa rin sa misteryo ang kanyang kamatayan. Unang ibinalita na binaril niya ang kangyang sarili. Ngunit may iba pang mga ispekulasyon na nagsasabing si Anido ay maaaring pinatay ng kanyang dating kasintahan na mayroong kamag-anak na mataas na opisyal ng gobyerno. Nakitang siyang patay noong 30 Disyembre 1981.


  • Rod Strunk

Ang pagkamatay ni Rod Strunk ay nagdulot ng matinding kontrobersiya dahil ito ay nangyari matapos pinatay ang kaniyang asawa na si Nida Blanca. Natagpuang patay si Strunk sa garahe ng Tracy Inn. Ang sirkumstansya ng pagkamatay ni Strunk at Nida Blanca ay magkapareho. Ang kanyang kamatayan ang tumapos sa matagal na pag-iimbestiga sa pagpatay kay Blanca. Namatay si Strunk noong 11 Hulyo 2007. Ayon sa pulis ng Tracy, California, isa itong kaso ng pagpapakamatay. Dati siyang aktor at mang-aawit. Mayroon siyang mga pelikula at may isang kantang nag-hit sa US Billboard, ang “If I Had a Girl.” May mga nagsasabing sangkot siya sa pagpaslang sa kanyang asawa.


  • Pepsi Paloma

Si Pepsi Paloma ay isa sa tatlong softdrink beauties noong dekada '80. Isinilang siya sa Borac, Hilagang Samar. 14 na taong gulang pa lamang nang pumasok si Pepsi Paloma sa mundo ng showbiz. Nagkaroon siya ng siyam na pelikula. Ang pinakauna nito ay ang Brown Emanuelle na ipinalabas noong 1980. Nagpakamatay siya dahil umano sa mga problema sa relasyon nila ng kanyang live-in partner. Kasama rin sa dahilan ng kanyang pagpapakamatay ang kasong panggagahasa laban kina Joey de Leon, Ritchie d’ Horsie at Vic Sotto. Natagpuan siyang nakabigti sa kanyang tahanan sa Sta. Mesa Heights gamit ang isang puting cotton sash. Namatay siya sa murang edad na 17. 31 Mayo 1985 siya namatay.


  • Phillip Andrew Pestano

Si Ensign Phillip Andrew Pestano ay natagpuang nakahandusay sa sahig ng kanyang kabin hawak ang .45 kalibreng baril. Ang naunang mga konklusyon ay isa itong kaso ng pagpapakamatay. Isang mas malalim na imbestigasyon ang nagsabing isa itong kaso ng pagpaslang pero isinara ang kasong ito dahil ang mga ebidensya ay matagal nang nasira noon pang nangyari ang krimen. Itinukoy na ang sulat-kamay na natagpuan sa isang liham sa pagpapakamatay ay hindi gawa niya. Noong buhay pa, isiniwalat ni Pestano ang pagkakasangot ng iilan sa Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy) sa palihim na pagkalakal ng droga. 27 Septyembre 1995 namatay si Pestano edad na 23. Isinilang siya sa Mandaue City, Cebu. Nag-aral siya ng high school sa Ateneo de Manila. Pumasok siya ng Philippine Military Academy at nagtapos bilang bahagi ng Maalab Class ng 1993.


  • Jaime V. Ongpin

Tatlong buwan matapos siyang tinanggalin ni dating pangulong Corazon Aquino sa pwesto bilang Kalihim ng Pinansya, si Jaime Ongpin ay natagpuang patay sa kanyang opisina na may bala sa kanyang ulo. Sinasabing matinding kalungkutan ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. Nakilala si Jaime Ongpin ng publiko nang naging isa siya sa pinakamaingay na kritiko ng mga Marcos galing sa hanay ng mga negosyante. Nang mapatalsik si Marcos, ginawa siyang opisyal ng pamahalaang Aquino. Nagkaroon na rin siya ng mga kritiko dahil umano sa konserbatibong mga patakaran sa ekonomiya. Namatay siya noong 7 Disyembre 1987.


  • Stella Strada

Si Stella Strada, isang bold star na ang tunay na pangalan ay Suzette Bishop, ay nagpakamatay dahil sa matinding kalungkutan bunga ng kanyang pag-iisa at palaos na karera sa pag-aartista. Bago ito nangyari, napag-alaman na ang naunang pagtatangka niyang pagpapakamatay ay sa pamamagitan ng paghiwa ng kanyang pulso. Nagpakamatay siya na kasama ang kanyang kaibigan na si Rene. Napakilala siya sa publiko sa kanyang unang pelikula na Inside Job noong 1983. Mula noon nagkaroon pa siya ng walong pelikula kung saan ang pinakahuli ay ang Ginto sa Putikan. Sa pelikulang Puri ay ginawaran siya ng posthumous na nominasyon bilang Best Actress ng FAMAS. Namatay siya noong 28 Disyembre 1984.


  • Maningning Miclat

Si Maningning Miclat ay isang dalubhasang makata at pintor. Taong 1987 ipinalabas ang unang libro ng mga tula, ang Wo De Shi. Sa taong din iyon ay unang ginawa ang kanyang solo na palabas ng pagpipinturang Tsino, ang Maningning: An Exhibit of Chinese Brush Works. May isang libro din siyang isinulat, ang Voice from the Underworld. Tumalon siya mula sa ikapitong palapag ng Far Eastern University kung saan siya naghahanap-buhay bilang guro. Namatay noong 29 Setyembre 2000 sa edad na 28.


  • Teodoro "Ted" Borlongan

Si Ted Borlongan ay isa sa mga pangunahing tagapamahala ng bangko sa Pilipinas. Dati siyang pangulo ng Urban Bank. Ang hindi niya pagkamit ng hustisya laban sa mga taong umano ay sumabotahe sa Urban Bank (na pwersadong isinara ng Bangko Sentral ng Pilipinas) ay nagbunga ng malalim na kalungkutan. Apat na araw bago ang kanyang ika-50 na kaarawan, binaril niya ang kanyang sarili sa ulo sa garahe ng isang sementeryo matapos bumisita sa libingan ng kanyang mga magulang at huling tumawag sa kanyang asawa at mga anak. Bago siya namatay noong 11 Abril 2005, ipinaglaban niya ang kanyang bangko sa layunin ng BSP at PDIC na isara ito. May mga kaso siyang isinampa laban sa dalawang institusyon subalit natalo ang mga ito. Pinursige pa rin niyang iangat ang mga kaso sa Korte Suprema.


Sanggunian

  • Alfie Anido. Wikipedia, the free encyclopedia. Inakses noong 26 Disyembre 2009
  • Maningning Miclat. Wikipedia, the free encyclopedia. Inakses noong 26 Disyembre 2009
  • Teodoro Borlongan. Wikipedia, the free encyclopedia. Inakses noong 26 Disyembre 2009
  • Santiago Slams Disqualification Case. Manila Standard Today
  • The Unsung Struggle of Maria Theresa Carlson. Philippine Entertainment Portal.
  • “A 9262 makes abuse of women and children a crime” Online Women in Politics.
  • Strunk suicide deepens Nida murder mystery Inquirer News Online
  • The Cruel World of Pepsi Paloma
  • Philip Andrew Pestano Official Website
  • Of Heels and Bridges. Inquirer Global Nation.
  • Jaime Ongpin, ex-Aquino Aide, Dies at 49 Apparently a Suicide. New York Times.
  • Stella Strada


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.