10 Pinakamainam na Lugar Para sa Espiritwal na Paglalakbay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga panalangin, kahilingan at banal na layunin ay higit na matatamasa kung sasamahan ito ng espiritwal na paglalakbay. Ang mga lugar na maaring puntahan sa paglalakbay o pamamakay ay maaring makadagdag sa kabanalan. Pinaniniwalaan na ang mga lugar sa espiritwal na paglalakakbay ay puno ng masining na kasaysayan at milagro. Narito ang sampung pinakamainam na lugar para sa espiritwal na pamamakay sa Pilipinas:


[baguhin] Mga Lugar Para sa Espiritwal na Paglalakbay

Ang simbahan sa Sta. Maria at sa Paoay ay ipinahayag bilang dalawa sa mga Baroque World Heritage Site sa mundo. Itinatag ang mga ito ng mga misyonaryong Agustino. Sikat ang simbahan sa Paoay sa malaking kampana nito na ginamit ng mga Katipunero para sa kanilang pagmamasid noong panahon ng mga Kastila. Naging kilala ang simbahan naman ng Sta. Maria sa alamat na nagpapakita ang Birheng Maria sa iglesia. Ang burol, kumbento at tore ay nag-ambag sa dakila at banal na aparisyon ng Birheng Maria.

  • San Pedro Apostol Church sa Bohol

Pangalawa sa pinakalumang simbahan sa Bohol ang San Pedro Apostol Church. Ito ay may mayamang pamana mula sa mga Heswitang misyonaryo na tumugon sa espiritwal na pangangailangan nang mga tao sa Loboc. Nilisan nila ang lugar noong 1768. Nasunog ang buong gusali noong taong 1600, ngunit sa kabila ng trahedya, matagumpay na naibalik ang kagandahan ng iglesia. Sa pagdaan ng panahon, pinangasiwaan ng mga Agustino ang simbahan at patuloy na binihisan ang iglesia hanggang sa matapos ito. Ang mga nililok na kerubin, korona ng Papa at simbolo ng mga Heswita ay ilan lamang sa mga bahagi na nakadadagdag sa espiritwal na paglago ng mga tao.

  • Basilica ng Our Lady of Piat sa Cagayan

Isa sa mga pandaigdigang dambana ng Birheng Maria ang Basilica Minore ng Our Lady of Piat sa Cagayan. Karaniwan itong pinupuntahan bilang isa sa mga lugar para sa espiritwal na pamamakay. Ang imahe ng Our Lady of Piat ay ginawa sa Macau at may imahe ng kayumangging Madonna. Pinaniniwalaang iniwangis ito sa Guadalupe ng Mexico. Maraming naniniwala na ang imahe ay nakapagpapagaling ng mga sakit, kahit ang mga madre ay nagbebenta ng milagrosang langis na maaring iuwi ng mga tao. Ito ang unang basilica minore sa rehiyon.

  • Baclaran Church

Ang Baclaran Church o dating kilala sa pangalang Redemptorist Church and National Shrine of Our Mother of Perpetual Help ay nananatili pa ring nakatayo sa mahabang panahon. Nagbago man ang mukha at pagkatao ng mga deboto, marami pa rin ang makapagpapatunay nito. Ang imahe ng Mother of Perpetual Help ay lubos na ginagalang kaya hindi nakapagtatakang ang dambana ay kayang humawak ng 11000 katao. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang dumadayo sa lugar upang manalangin.

Sa puso ng Kamaynilaan makikita ang simbahan ng Quiapo. Isa ito sa mga dinarayong lugar ng mga deboto. Ang istruktura ng simbahan ay matatagpuan sa gitna ng Maynila kung saan makikita ang mga transaksyong pangkalakalan, iba’t ibang negosyo at uri ng transportasyon. Dati itong gawa sa nipa at tinawag na Minor Basilica of the Black Nazarene. Naging kilala ang simbahan dahil sa imahe ng Poon Nazareno at tuwing ika-9 ng Enero ay ipinuprusisyon ang imahe sa pangunguna ng mga deboto. Nagkakaroon din ng nobena sa simbahan tuwing Biyernes. Parehong makikita ang komersyo at pagkarelihiyoso ng mga tao sa lugar na ito.

  • Agoo Basilica sa La Union

Sa pagdaan ng panahon ay lalong dumarami ang mga deboto na bumibisita sa Basilica ng Our Lady of Charity. Makikita sa simbahang ito ang magandang kaanyuan at disenyo na nanggaling pa sa mayamang kultura ng mga Pransiskano. Sa bukana pa lang, sasalubungin na ang mga dumadalaw ng mga bantayog nina San Pedro at San Pablo.

Ang Our Lady of Peñafrancia ay ang patron ng mga taga-Bicol kaya iginagalang ito sa buong lalawigan. Ginaganap ang pista ng Peñafrancia tuwing Setyembre. Sa pagdiriwang na ito makikita ang mga debotong Katoliko na inihahain ang kanilang mga kahilingan at panalangin. Sa gitna ng simbahan, makikita ang pag-anyaya ng patrona at masisilayan ang tungkulin ni Maria bilang ina ng Iglesia.

Isa pang pook na pinupuntahan ng mga tao ay ang Our Lady of Manaoag sa Pangasinan. Nakalarawan ang mga milagro ng Our Lady of Manaoag sa mga dingding ng simbahan. Nagdadala ang mga mural na ito ng matinding damdamin at kasabikan sa maga deboto.

Ang Bundok Banahaw ay isang extinct volcano na may maraming maiinit na bukal. Pinaniniwalaang isa itong banal na bundok, at maraming tao ang patuloy na dumadalaw rito dahil ang tubig sa mga bukal nito ay nakapagdudulot diumano ng mga "milagro" sa mga may sakit. Sa ganitong paraan, ang mga deboto ay napalapit sa Diyos sa pamamagitan ng kalikasan.


[baguhin] Sanggunian

  • Our Lady of Manaoag. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Mount Banahaw. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Santa Maria, Ilocos Sur. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Shrines to the Virgin Mary. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Churches in Bohol. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Naga City. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Baclaran Church. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Quiapo Church. Wikipedia, the free encyclopedia. (Inakses noong 26 Disyembre 2009)
  • Churches of Ilocos. Visit Pinas.
  • Baroque Churches of the Philippines. UNESCO World Heritage
  • Parish Church of San Pedro Apostol. Loboc Bohol Tourism.
  • Official Website of Our Lady of Piat
  • A Pilgrimage to Cagayan Sun Star Baguio News.
  • Piat Shrine: From Lowly Sanctuary to Basilica by Estanislao Cadez
  • History of Quiapo.
  • Religious Tourist Attractions Fly Philippines
  • La Union: Basilica of Our Lady of Charity. eTravel Pilipinas Tourism News.
  • Our Lady of Penafriance Official Website


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.