10 Pinakamagandang Manlalaro ng Volleyball sa UAAP

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang larong basketbol ng mga lalake ang tradisyunal na pinakasikat na laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Ngunit sa nagdaang kalahating dekada, nabigyang pansin ng media at mga manonood ang pagsikat ng volleyball, na mas kinatatampukan ng mga babaeng atleta.

Ang pagsikat ng pambabaeng volleyball sa ligang ito ay dala na rin ng pag-usbong ng iba't ibang liga ng volleyball sa bansa na pinangungunahan ng Shakey's V-League. Sa mga ligang ito nadidiskubre ang mga next superstars sa larong volleyball.

Dala na rin ng pagsikat ng volleyball ay ang paghahanap ng mga sports fans ng mga mahuhusay at magagandang manlalaro. Nagsisulputan ang iba't ibang fan clubs at mga forums na tumatalakay hindi lamang sa laro ng mga atletang ito, kundi maging ang mga personal na aspekto ng kanilang buhay.

Narito ang sampung pinakamagandang volleyball player ng UAAP na nilista ng WikiFilipino:



10. Rachel Anne Daquis
Daquis.jpg

Si Rachel Anne Daquis ang “poster girl” ng Far Eastern University Lady Tamaraws dahil sa kaniyang kasikatan at galing sa laro, kung saan siya ang tinanghal na Best Server noong 2007. Dagdag pa rito, si Daquis ay naging commercial model para ilang mga beauty products at ngayo'y isa sa mga assistant coaches ng Lady Tamaraws.


9. Charleen Cruz

Si Charleen Cruz marahil ang pinakasikat na manlalaro ng La Salle Lady Archers, kung pagbabatayan ang dami ng mga fans niya na dumarayo sa tuwing may laban ang kaniyang koponan. Siya ang isa sa mga haligi ng kampeonato ng Lady Archers noong 2010 dahil sa kaniyang husay sa opensa at depensa. Dagdag pa rito, kaya rin niyang gampanan ang pagiging setter lalo na sa mga mahahalagang sitwasyon ng laro.


8. Karla Bello

Si Karla Bello ang isa sa mga orihinal na “crush ng bayan” ng Ateneo Lady Eagles. Siya ang starting setter ng koponan noong una itong pumasok sa UAAP Final Four noong 2007.


7. Charo Soriano

Si Charo Soriano ang sandigan ng Lady Eagles noong una itong pumasok sa Final Four noong 2007-08, na siyang nagpasimula sa pagpapalakas ng kanilang programa sa volleyball. Nanalo bilang Rookie of the Year noong 2003, siya ang naging scoring leader ng Lady Eagles noong siya'y isang aktibong manlalaro at ngayon ay kasama siya sa coaching staff ng koponan. Isa rin siya sa mga commercial model ng Shakey's at siya rin ang ate ng modelong si Bea Soriano.



6. Lizlee Ann Gata

Si Lizlee Ann Gata, kilala sa palayaw na Tatan, ang itinuturing na pinakamahusay na libero hindi lamang ng Adamson University Lady Falcons, kundi sa kasaysayan ng buong liga. Sa taas na 5'6”, itinuturing siyang matangkad para sa kaniyang posisyon. Bukod sa pagiging mahusay na libero sa volleyball, kilala rin si Gata bilang may malakas na opensa sa larong beach volleyball, kung saan natulungan niyang mapanalunan ng Lady Falcons ang kampeonato nang dalawang ulit noong Season 72 at Season 73.


5. Melissa Gohing
Gohing and cruz.jpg

Binansagang “The Ninja” dahil sa kaniyang liksi at tapang, si Melissa Gohing ang kasalukuyang libero o espesyalista sa depensa ng La Salle Lady Archers. Bagama't libero at hindi pumupuntos, napanalunan niya ang Rookie of the Year award noong 2009.


4. Denise Patricia Tan
Denise tan.jpg

Bagama't ang kaniyang posisyon ay para sa mga maliliit na manlalaro, ang 5'9” na si Denise Tan ang pangunahing setter ng University of Santo Tomas Tigresses. Nakamit niya ang Best Setter award ng UAAP noong nag-kampeon ang Tigresses noong 2006-07 ngunit dahil sa mga injuries ay hindi siya masyadong naglaro sa mga sumunod na taon. Kasalukuyang courtside reporter si Tan sa Shakey's V-League.


3. South Ramos

May taas na 5'8”, si South Ramos ang isa sa mga matatangkad na dilag ng University of the Philippines Fighting Maroons. Isang open attacker na kilala sa malakas na mga spikes, si Ramos ay isa rin sa mga naging kilalang manlalaro na nagmula sa UP Integrated School.



2. Jed Montero

Si Rebeca Gail Montero, kilala bilang Jed Montero, ang isa sa mga scoring leaders ng UP Fighting Maroons noong siya'y isang aktibong manlalaro. Bagama't may mala-porselanang kutis, si Montero ay nakilala sa pagiging palaban at maaasahan sa laro bagama't nakaranas siya ng samu't saring injuries sa kaniyang karera bilang manlalaro. Naging commercial model din siya at nagkaroon ng karanasan bilang isa sa mga host ng dating noontime show na Wowowee.


1. Fille Cainglet

Si Fille Saint Merced Cainglet ang pinakabagong volleyball sensation ng Ateneo Lady Eagles at ng buong UAAP. Kilala sa pagkakaroon ng malakas na spike at nakapantutunaw na ngiti, si Cainglet ang isa sa mga haligi ng opensa ng Lady Eagles. Kung pagbabatayan ang social networking site na Facebook, literal na may libo-libo siyang tagahanga. Ang kaniyang opisyal na Facebook page na FILLEippine Republic ay kasalukuyang may 6,000 like.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.