10 Pinakakasiya-siyang Lugar ng Libangan na Matatagpuan sa Metro Manila sa Taong 2009

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang dedikasyon sa pagtratabaho. Kaya naman ang mga pook libangan sa paligid ng mga opisina ay isang magandang paraan upang makapagpahinga at maaliw ang mga masisipag na empleyado. Ngunit ang mga pook libangan na ito ay hindi lang para sa mga masisipag na empleyado kundi para rin sa mga estudyante na nais magpahinga pagkatapos ng isang buong araw ng pag-aaral. Narito ang sampung lugar ng libangan na matatagpuan sa Metro Manila.


Mga Lugar ng Libangan na Matatagpuan sa Metro Manila

  • Hard Rock Cafe (Makati)

Sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Glorietta 3 sa Makati makikita ang Hard Rock Cafe. Kung nais mong gumimik, hindi maipagkakaila na isa ito sa mga pinakatanyag na lugar ngayong taong 2009. Walang makatatalo sa masayang kapaligiran na hatid ng mga maiingay na banda. Ilan sa mga kilalang artista ay madalas bumibisita sa lugar na ito. Nagdudulot din ng matinding kasiyahan ang mga nagtatanghal dito katulad ng Freestyle, Side A, Mocha Girls at Drizzle. Ang Hard Rock Cafe ay hitik sa mga masasarap na pagkain, kaaya-ayang musika, at iba't ibang tao na mahilig sa kasiyahan. Ito ay magandang lugar upang maglibang pagkatapos ng isang araw na puno ng trabaho.


  • Penguin Cafe (Malate)

Ang disenyo ng Penguin Cafe ay inihalintulad sa Casablanca. Bagamat makikita ito sa puso ng Malate, saksi pa rin ang buong Kamaynilaan kung paano tumatakbo ang gabi sa lugar na ito na puno ng sining at sopistikadong gawain. Ang mga ilaw at itim na upuan ang nagdagdag sa kasabikan na araw araw inihahatid ng Penguin Cafe. Kada buwan nagkakaroon din ng eksibisyon ng mga larawan at sining kaya masasabing ang Penguin ay sentro ng sining at kasiyahan sa parehong pagkakataon.


  • The Basement (Libis)

Anim na taon nang pinagsisilbihan ng The Basement ang publiko. Halintulad ito sa Phantom of the Opera na ginawang DJ club. Paborito itong puntahan at pasyalan ng mga tao. Ang mga masasarap na pagkain, karaniwang kapaligiran, at mga musikang pangkasiyahan ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pinakamainam ang lugar na ito para sa mga taong nais magpahinga at makakilala ng bagong kaibigan.


  • Hobbit House (Malate)

And serbesang inaalok ng Hobbit House ay walang katulad kung kaya maraming tao ang bumibisita sa lugar na ito. Ito rin ay tanyag sa mga kanta ni Freddie Aguilar. Datapwat sa pangkasalukuyan ay hindi na maririnig ang mga awitin ni Aguilar, marami pa rin ang pumupunta sa lugar na ito. Ilan sa mga nagtatanghal dito ay ang Salt and Pepper, Eazy Band, Moonstring Trio, Waling-waling at iba pa.


  • The Embassy (The Fort, Taguig)

Ang The Embassy ay laging laman ng balita. Ito ang lugar kung saan maraming di kanais nais na insidente ang naitala na. Ngunit sa kabila nito hindi maitatanggi na isa pa rin ito sa mga lugar na laging pinupuntahan ng mga tao para gumimik. Sa kasalukuyan, kilala ito bilang Encore. Gumagamit na ito ng CCTV camera technology para sa kanilang security system.


  • 70s Bistro (Anonas, QC)

"Be who you are!" ang kanilang islogan. Ang 70s Bistro sa Anonas ay may kakayahan na tiyakin ang iyong paglilibang sa loob ng kanilang lugar sa pamamagitan ng masayang tugtugin at masarap na pagkain. Ang mga magagaling na tagapagtanghal sa Manila ay madalas makikita sa Bistro. Malaya ang mga taong suotin ang anumang kasuotan na nais nila. Ito ang nakapaghatak sa maraming tao na pumunta at makisaya buong gabi. Ang Parokya ni Edgar, Alamid, Kalayo, at The Jerks ay ilan lamang sa mga nagtatanghal dito.


  • Mayric's (Espana, Manila)

Nagsimula ang Mayric's (ngayo'y Sazi's) bilang isang kantina para sa mga estudyante ng unibersidad at empleyado ng banko sa Maynila. Makalipas ang 25 taon, ang lugar na ito na puno ng magagandang awitin para sa mga taong nais magpahinga at maglibang. Nakilala ang Mayric's dahil sa mga bago at magagaling na banda na nagtatanghal sa kanilang establisyamento katulad ng Parokya ni Edgar at Chicosci dahilan upang maraming tao ang maengganyo na pumunta sa kanilang lugar.


  • RJ Bar (Makati)

Ang RJ Bar sa Jupiter Makati ay naging tanyag dahil sa mga kwento ng mga taong nakaranas ng maginhawang gabi sa lugar na iyon kabilang na ang kanilang mga natatanging mga palabas tuwing Miyerkules at Sabado. Dito din mapapanood ang mga pagtatanghal ng Rivermaya.


  • Blue Onion Bar (Libis)

Ang Blue Onion Bar ay kilala sa kanilang inumin at serbesa, tugtugin at masasarap na pagkain.Ang kanilang mga resipe ay may kombinasyon ng pagkaing Pilipino at Hapon. Pagkatapos ng masarap na kainan ay magsisimula ang masayang sayawan sa unang palapag ng Eastwood.


  • Nuvo (Makati)

Ang Nuvo ay matatagpuan sa Greenbelt, Makati. Sa lugar na ito makikita at matitikman ang mga pinaghalong pang-Europa at lokal na pagkain.

Sanggunian

  • Makati Café. Hard Rock Website
  • Nightlife: Malate’s Cafes, a Walk on the Bohemian Side of Manila by Karen Emmons. New York Times.
  • The Basement Club group on Facebook
  • The Basement ClicktheCity
  • Feature: Eastwood City Travel Philippines
  • Notorious Embassy Club in Taguig Does an Encore. Manila Standard Online.
  • 70sBistro Official Website
  • RJ Underground. ClicktheCity
  • Nuvo Lifestyle Manila City Guide. Lifestyle Asia.


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.